Sokea Bartimaeus
| Secondary Keywords | Bartimeo bulag Jeesus Jeesus pahimakas Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 11:14-28 Lucas 18:35-43 Marcos 10:46-52 Marcos 3:20-30 Matthew 12:22-37 Matthew 20:29-34 Matthew 9:27-31 Luke 1114 At si Jesus ay nagpapalayas ng demonyo at ito ay pipi. At nangyari, nang nakalabas ang demonyo, ang taong napipi ay nagsalita at namangha ang napakaraming tao. 15 Subalit ang ilan sa kanila ay nagsabi, “Siya ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub na pinuno ng mga demonyo.” 16 Ngunit ang iba na sumusubok sa kaniya ay naghahanap sa kaniya ng tanda mula sa langit. 17 Ngunit yamang siya ang nakakaalam ng kanilang mga pag-iisip ay sinabi niya sa kanila, “Ang bawat paghaharing nahahati laban sa kaniyang sarili ay nawawasak, at ang sambahayang nahahati laban sa sambahayan ay bumabagsak. 18 At kung si Satanas din ay nahahati laban sa kaniyang sarili, paano makakatayo ang kaniyang paghahari? Sinabi ko ito sapagkat sinasabi ninyo na ang pagpapalayas ko ng mga demonyo ay sa pamamagitan ni Beelzebub. 19 At kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino naman nagpapalayas ang inyong mga anak? Dahil dito, sila ang magiging tagapaghatol ninyo. 20 Ngunit kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ng daliri ng Diyos, walang pag-aalinlangan na ang paghahari ng Diyos ay dumating na sa inyo. 21 Kapag ang isang lalaking malakas na nasandatahang lubos ang magbabantay sa kaniyang sariling bulwagan, ang kaniyang ari-arian ay ligtas. 22 Subalit kung ang higit na malakas kaysa sa kaniya ay dumating at malulupig siya, kukunin sa kaniya ang buong sandata na pinagtitiwalaan niya at ang kaniyang mga samsam ay ipamimigay. 23 Siya na hindi sumasama sa akin ay laban sa akin, at siya na hindi nakikipagtipong kasama ko ay nangangalat. 24 “Kapag ang karumal-dumal na espiritu ay makalabas mula sa isang tao, ito ay gumagala sa mga tuyong dako, na naghahanap ng pahingahan. Ngunit kapag wala itong matagpuan, sasabihin nito, ‘Babalik ako sa bahay na aking pinanggalingan.’ 25 At sa pagbabalik nito ay matatagpuan itong nawalisan na at napalamutian na, 26 kaya paroroon ito at isasama ang pitong ibang espiritu na higit pang masasama kaysa sa kaniya. At sa pagpasok ng mga ito, sila ay maninirahan doon. Kaya ang magiging huli ng lalaking iyon ay lalong malubha kaysa noong una.” 27 At nangyari, na habang sinasabi ni Jesus ang mga bagay na ito, isang babaing mula sa napakaraming tao ang sumigaw na nagsabi sa kaniya, “Pinagpala ang sinapupunan na nagdala sa iyo at ang mga suso na sinusuhan mo.” 28 Sinabi ni Jesus, “Oo, subalit ang totoong pinagpala ay ang mga nakikinig ng salita ng Diyos at sinusunod ito.” Luke 1835 At nangyari, na habang siya ay papalapit sa Jerico ay may isang lalaking bulag na nagpapalimos na nakaupo sa tabi ng daan. 36 Nang narinig niya ang maraming taong dumadaan, tinanong niya kung ano kaya ito. 37 At ibinalita nila sa kaniya na si Jesus na taga-Nazaret ay dumadaan. 38 Kaya siya ay sumigaw na sinasabi, “Jesus, Anak ni David, kahabagan mo ako.” 39 At sila na mga nauuna ay sinaway siya upang siya ay manahimik, ngunit lalung-lalo pa siyang sumigaw, “Anak ni David, kahabagan mo ako.” 40 At nang tumigil si Jesus ay iniutos niya na dalhin siya sa kaniya. At nang lumapit ang bulag, siya ay tinanong ni Jesus 41 na sinasabi, “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” At sinabi niya, “Panginoon, ibig kong makakita.” 42 Kaya sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tanggapin mo ang iyong paningin. Pinagaling ka na ng iyong pananampalataya.” 43 At siya ay nakakita kaagad at sumunod sa kaniya na niluluwalhati ang Diyos, at ang lahat ng mga taong nakakita ay nagbigay ng papuri sa Diyos. Mark 1046 At sila ay dumating sa Jerico. At nang si Jesus ay papalabas sa Jerico kasama ang kaniyang mga alagad at ang napakaraming tao, ang bulag na si Bartimeo na anak ni Timeo ay nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. 47 At nang narinig niya na si Jesus na taga-Nazaret ay naroroon, nagsimula siyang sumigaw at sinabi, “Jesus, Anak ni David, mahabag ka sa akin!” 48 At marami ang sumaway sa kaniya upang mapatahimik siya ngunit lalo pa siyang sumigaw, “Anak ni David, mahabag ka sa akin.” 49 At nang huminto si Jesus, sinabi niya na tawagin siya. At tinawag nila ang bulag na sinasabi sa kaniya, “Lakasan mo ang iyong loob. Tumindig ka, tinatawag ka ni Jesus.” 50 At pagkatapon niya ng kaniyang balabal, siya ay tumayo at lumapit kay Jesus. 51 Kaya sumagot si Jesus na sinabi sa kaniya, “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” At ang bulag ay nagsabi sa kaniya, “Rabbi, ang mapanumbalik ang aking paningin.” 52 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Humayo ka, ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo.” At kaagad napanumbalik ang paningin ng bulag at siya ay sumunod kay Jesus sa daan. Mark 320 Muling nagtipun-tipon ang napakaraming tao kung kaya wala silang magawa kahit ang kumain ng tinapay. 21 Nang ito ay narinig ng kaniyang mga kamag-anak, sila ay pumaroon upang kunin siya sapagkat sinasabi nila, “Wala siya sa kaniyang sarili.” 22 Ang mga eskriba na dumating mula sa Jerusalem ay nagsasabi, “Nasa kaniya si Beelzebub” at “sa pamamagitan ng pinakapuno ng mga demonyo ay nagpapalayas siya ng mga demonyo.” 23 Pagkatapos niya silang tawagin upang lumapit sa kaniya, nagpatuloy siyang nagsalita sa kanila sa mga talinghaga, “Paanong mapapalayas ni Satanas si Satanas? 24 Kapag ang kaharian ay mahati laban sa kaniyang sarili, ang kahariang iyon ay hindi makatayo. 25 At kapag ang sambahayan ay mahati laban sa kaniyang sarili, ang sambahayang iyon ay hindi makatayo. 26 At kung si Satanas ay maghimagsik laban sa kaniyang sarili at nagkabaha-bahagi na, hindi siya makatayo kundi siya ay nagkakaroon ng wakas. 27 Walang sinuman ang makakapasok sa bahay ng taong malakas upang samsamin ang kaniyang mga kagamitan maliban na maigapos muna niya ang taong malakas at saka pa lamang niya sasamsamin ang mga kagamitan sa bahay ng taong malakas.” 28 “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, patatawarin ang lahat ng mga kasalanan sa mga anak ng sangkatauhan at ang anumang kalapastanganan na kanilang maipaglapastangan, 29 ngunit kapag ang sinuman ay maglapastangan laban sa Banal na Espiritu, siya ay walang kapatawaran magpakailanman, sa halip, siya ay nasa ilalim ng walang hanggang kahatulan.” 30 Sinabi nila, “Mayroon siyang karumal-dumal na espiritu.” Matthew 1222 Pagkatapos nito ay dinala sa kaniya ang isang inaalihan ng demonyo na bulag at pipi. Siya ay pinagaling ni Jesus kung kaya ang bulag at pipi ay nakakita at nakapagsalita. 23 At ang lahat ng napakaraming tao ay namangha at sinabi, “Hindi ba ito ang Anak ni David?” 24 Ngunit nang narinig ito ng mga Fariseo ay kanilang sinabi, “Ang taong ito ay hindi nagpapalayas ng mga demonyo, maliban sa pamamagitan ni Beelzebub na pinuno ng mga demonyo.” 25 Ngunit yamang alam ni Jesus ang kanilang mga kaisipan, sinabi niya sa kanila, “Ang bawat kaharian na nagkakabaha-bahagi laban sa kaniyang sarili ay nawawasak at ang bawat lungsod o sambahayan na nagkakabaha-bahagi laban sa kaniyang sarili ay hindi makakatayo. 26 At kung si Satanas ang nagpapalayas kay Satanas, siya ay nababahagi laban sa kaniyang sarili. Kaya papaano makakatayo ang kaniyang kaharian? 27 At kung ako ay nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebub, sa pamamagitan nino naman nagpapalayas ang inyong mga anak? Dahil dito, sila ang magiging tagapaghatol ninyo. 28 Ngunit kung nagpapalayas ako ng mga demonyo sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, walang pag-aalinlangan na ang paghahari ng Diyos ay dumating na sa inyo. 29 O paano makakayang pumasok ng isang tao sa bahay ng isang malakas na tao upang masamsam ang kaniyang mga kagamitan kung hindi niya muna maigapos ang malakas na tao? At pagkatapos ay sasamsamin niya ang nasa bahay ng malakas na tao. 30 Siya na hindi sumasama sa akin ay laban sa akin at siya na hindi nakikipagtipong kasama ko ay nangangalat. 31 “Dahil dito ay sinasabi ko sa inyo, ang bawat kasalanan at paglapastangan ay ipapatawad sa mga tao, ngunit ang paglapastangan laban sa Espiritu ay hindi ipapatawad sa mga tao. 32 At ang sinumang magsasalita laban sa Anak ng Tao, ito ay ipapatawad sa kaniya, ngunit ang sinumang magsasalita laban sa Banal na Espiritu, ito ay hindi ipapatawad sa kaniya sa kapanahunang ito, ni sa darating pa. 33 “Gawin ninyong mabuti ang punongkahoy at ang bunga nito ay mabuti, o kaya gawin ninyong masama ang punongkahoy at ang bunga nito ay masama sapagkat ang punongkahoy ay nakikilala sa pamamagitan ng kaniyang bunga. 34 Mga lahi ng ulupong! Papaano ninyo nagagawang magsalita ng mabubuting bagay yamang kayo ay masasama? Sapagkat mula sa kasaganaan ng puso, ang bibig ay nagsasalita. 35 Ang mabuting tao ay nagbubunga ng mabubuting bagay mula sa mabuting kayamanan ng puso at ang masamang tao ay nagbubunga ng masasamang bagay mula sa masamang kayamanan ng puso. 36 Ngunit sinasabi ko sa inyo na sa bawat salitang walang kabuluhan na sasabihin ng mga tao, sila ay magbibigay-sulit patungkol dito sa araw ng paghuhukom 37 sapagkat sa pamamagitan ng iyong mga salita ay mapapawalang-sala ka at sa pamamagitan ng iyong mga salita ay hahatulan ka.” Matthew 2029 Habang sila ay papalabas sa Jerico, sumunod sa kaniya ang lubhang napakaraming tao. 30 Narito, may dalawang lalaking bulag ang nakaupo sa tabi ng daan. Nang narinig nilang dumadaan si Jesus, sila ay sumigaw na sinasabi, “Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa amin!” 31 At sila ay sinaway ng napakaraming tao upang sila ay tumahimik, ngunit lalo pa silang sumigaw na sinasabi, “Panginoon, Anak ni David, mahabag ka sa amin!” 32 Kaya si Jesus ay huminto at tinawag sila at sinabi, “Ano ang ninanais ninyong gawin ko sa inyo?” 33 Sinabi nila sa kaniya, “Panginoon, ang mabuksan ang aming mga paningin.” 34 Kaya si Jesus ay nahabag sa kanila at hinawakan ang kanilang mga mata. At kaagad nanumbalik ang kanilang mga paningin at sumunod sa kaniya. Matthew 927 Habang papaalis si Jesus doon, siya ay sinundan ng dalawang lalaking bulag na sumisigaw at nagsasabi, “Anak ni David, mahabag ka sa amin.” 28 At nang pumasok siya sa isang bahay, ang mga lalaking bulag ay lumapit sa kaniya. Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumasampalataya ba kayo na ito ay makakaya kong gawin?” Sinabi nila sa kaniya, “Oo, Panginoon.” 29 Pagkatapos nito ay hinawakan niya ang kanilang mga mata na sinasabi, “Mangyari sa inyo ang ayon sa inyong pananampalataya.” 30 At namulat ang kanilang mga mata. Ngunit mahigpit na ipinagbilin sa kanila ni Jesus na sinasabi, “Ingatan ninyong huwag itong malaman ng sinuman.” 31 Ngunit nang sila ay nakaalis, ipinamalita nila ang katanyagan ni Jesus sa buong lupaing iyon. |