46 At sila ay dumating sa Jerico. At nang si Jesus ay papalabas sa Jerico kasama ang kaniyang mga alagad at ang napakaraming tao, ang bulag na si Bartimeo na anak ni Timeo ay nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos.47 At nang narinig niya na si Jesus na taga-Nazaret ay naroroon, nagsimula siyang sumigaw at sinabi, “Jesus, Anak ni David, mahabag ka sa akin!”