10 Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.
Joel 2
31 Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na kaarawan ng Panginoon.
Luke 21
25 “At magkakaroon ng mga tanda sa araw at sa buwan at sa mga bituin, at sa lupa ay kahapisan ng mga bansa na may pagkalito at ng malakas na ugong ng dagat at ng alon
Mark 13
24 “Ngunit sa mga araw na iyon, pagkatapos ng paghihirap na iyon, ang araw ay magdidilim at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag,
Matthew 24
29 “At kaagad, pagkatapos ng matinding paghihirap sa mga araw na iyon, ang araw ay magdidilim at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag at ang mga bituin ay babagsak mula sa langit at ang mga kapangyarihan ng kalangitan ay mayayanig.
Revelation 6
12 At nakita ko nang binuksan ng Kordero ang ikaanim na selyo, narito, naganap ang isang malakas na pagyanig at ang araw ay naging maitim katulad ng mabalahibong kasuotang sako at ang buwan ay naging katulad ng dugo.