27 At iyong ihahandog ang iyong mga handog na susunugin, ang laman at ang dugo, sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Dios: at ang dugo ng iyong mga hain ay ibubuhos sa ibabaw ng dambana ng Panginoon mong Dios; at iyong kakanin ang karne.
Exodus 27
1 At gagawin mong kahoy ng akasia ang dambana, na limang siko ang haba at limang siko ang luwang; ang dambana ay gagawing parisukat: at ang taas ay magkakaroon ng tatlong siko.2 At gagawin mo ang mga anyong sungay sa ibabaw ng apat na sulok niyaon: ang mga anyong sungay ay kaputol din, at iyong babalutin ng tanso.
Exodus 30
28 At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga kasangkapan, at ang hugasan at ang tungtungan.
Exodus 38
1 At kaniyang ginawa ang dambanang pagsusunugan ng handog na kahoy na akasia: limang siko ang haba niyaon, at limang siko ang luwang niyaon, parisukat; at tatlong siko ang taas niyaon.