Break Your Fast
| Secondary Keywords | Galilea Jeesus Jeesus mabilis muling pagkabuhay pahimakas pahinga Ulkonäkö Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 211 Pagkatapos ng mga bagay na ito, ipinakitang muli ni Jesus ang kaniyang sarili sa kaniyang mga alagad sa tabi ng dagat ng Tiberias, at sa ganitong paraan siya nagpakita: 2 Magkakasama si Simon Pedro, si Tomas na tinatawag na Didymus, si Natanael na taga-Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo at dalawa pa sa kaniyang mga alagad. 3 Sinabi ni Simon Pedro sa kanila, “Aalis ako upang mangisda.” Sinabi nila sa kaniya, “Sasama rin kami sa iyo.” Lumabas sila at sumakay kaagad sa bangka ngunit wala silang nahuli nang gabing iyon. 4 Subalit nang nag-uumaga na, si Jesus ay tumayo sa tabing-dagat, gayunpaman hindi nakilala ng mga alagad na iyon ay si Jesus. 5 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Mga anak, wala ba kayong makakain?” Sumagot sila sa kaniya, “Wala.” 6 At sinabi niya sa kanila, “Ihulog ninyo ang lambat sa bahaging kanan ng bangka at makakatagpo kayo.” Kaya inihulog nila ang lambat at hindi na nila ito kayang hilahin dahil sa dami ng isda. 7 Kaya ang alagad na iyon na iniibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro, “Ang Panginoon iyon!” Nang narinig nga ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, isinuot niya ang kaniyang pang-ibabaw na damit (sapagkat siya ay nakahubad) at tumalon siya sa dagat. 8 Subalit ang ibang mga alagad na nakasakay sa maliit na bangka ay dumating na hila-hila ang lambat na may mga isda (sapagkat hindi sila gaanong malayo sa dalampasigan kundi halos dalawandaang siko lamang). 9 Kaya pagkababa nila sa dalampasigan, nakita nila ang nakalatag na nagbabagang mga uling at may nakapatong na isda at tinapay. 10 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Magdala kayo rito ng mga isda mula sa mga nahuli ninyo ngayon.” 11 Umahon si Simon Pedro at hinila niya sa dalampasigan ang lambat na puno ng malalaking isda na ang bilang ay isandaan at limampu't tatlo at kahit ganoon karami, hindi napunit ang lambat. 12 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Halina kayo at mag-agahan.” Subalit walang sinuman sa mga alagad ang naglakas-loob na magtanong sa kaniya, “Sino ka?” sapagkat alam nila na ang Panginoon iyon. 13 Kaya lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila, ganoon din ang ginawa niya sa isda. 14 Ito na ang pangatlong pagpapakita ni Jesus sa kaniyang mga alagad mula nang siya ay ibinangon mula sa mga patay. 15 Kaya pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, “Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon, nalalaman mong minamahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking mga kordero.” 16 Sinabi niyang muli sa kaniya sa ikalawang pagkakataon, “Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon, alam mo na minamahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Alagaan mo ang aking mga tupa.” 17 Sinabi ni Jesus sa kaniya sa ikatlong pagkakataon, “Simon, anak ni Jonas, minamahal mo ba ako?” Ikinalungkot ito ni Pedro sapagkat sa ikatlong pagkakataon ay sinabi ni Jesus sa kaniya, “Minamahal mo ba ako?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Panginoon, alam mo ang lahat ng mga bagay. Nalalaman mo na minamahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking mga tupa. 18 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, nang ikaw ay bata pa, ikaw ang nagbibigkis sa iyong sarili at lumalakad ka kung saan mo nais. Subalit sa pagtanda mo ay iuunat mo ang iyong mga kamay at iba ang magbibigkis sa iyo at dadalhin ka sa lugar na hindi mo nais.” 19 Sinabi niya ito upang ipahayag kung sa anong uri ng kamatayan luluwalhatiin niya ang Diyos. Pagkasabi nito, sinabi ni Jesus sa kaniya, “Sumunod ka sa akin.” 20 Subalit pagkalingon ni Pedro, nakita niyang sumusunod ang alagad na iniibig ni Jesus. Siya rin ang nakasandal sa dibdib ni Jesus nang sila ay nasa hapunan at nagsabi, “Panginoon, sino ang magkakanulo sa iyo?” 21 Nang nakita ni Pedro ang isang ito, sinabi niya kay Jesus, “Panginoon, ano naman ang gagawin ng isang ito?” 22 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kung nanaisin kong manatili siya hanggang sa ako ay makabalik, ano naman ito sa iyo? Sumunod ka sa akin.” |








