17 At anuman ang inyong mga gagawin, sa salita o sa gawa, gawin ninyo ang lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat sa Diyos at Ama sa pamamagitan niya.
Colossians 3
23 At anuman ang inyong mga gagawin, gawin ninyo nang buong puso na para sa Panginoon at hindi para sa mga tao,
Luke 16
15 Kaya sinabi niya sa kanila, “Kayo yaong mga nagmamatuwid sa inyong mga sarili sa harap ng mga tao. Ngunit nalalaman ng Diyos ang inyong mga puso sapagkat kung ano ang lubos na pinahahalagahan ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
Mark 8
36 Sapagkat ano ang mapapakinabangan ng tao kung makamtan man niya ang buong sanlibutan ngunit mapahamak ang kaniyang kaluluwa?
Matthew 6
24 “Walang sinuman ang makakayanang maglingkod sa dalawang panginoon sapagkat maaaring kamumuhian niya ang isa at iibigin ang iba, o kakapitan niya ang isa at hahamakin ang iba. Hindi ninyo makakayanang maglingkod sa Diyos at sa kayamanan.
Micah 6
8 Kaniyang ipinakilala sa iyo, Oh tao, kung ano ang mabuti; at ano ang hinihingi ng Panginoon sa iyo, kundi gumawa na may kaganapan, at ibigin ang kaawaan, at lumakad na may kababaan na kasama ng iyong Dios.
Proverbs 12
2 Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon: nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha.