wjpas0667
| Secondary Keywords | Bautista Elijah Juan magturo makipag-usap mangangaral nag-iisa opetuksen opettamista pagtawag pangangaral pangaralan propeta Puhuminen puhuu tawag |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Matthew 3 |
Matthew 31 At sa mga araw na iyon ay dumating si Juan na tagapagbawtismo na nangangaral sa ilang ng Judea,2 at nagsasabi, “Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng langit.”3 Sapagkat siya yaong ipinahayag ni propeta Isaias na sinasabi, “Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang landas ng Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang kaniyang mga landas.’ ” Isa 40:34 At si Juan mismo ay may damit na yari sa mga balahibo ng kamelyo at may pamigkis na balat ng hayop sa kaniyang baywang. At ang kaniyang pagkain ay mga balang at pulut-pukyutan.5 Sa panahong iyon ay pumunta sa kaniya ang mga tao sa Jerusalem at ang buong Judea at ang buong lupain sa palibot ng Jordan,6 at sila ay nagpabawtismo sa kaniya sa ilog Jordan, na ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan.7 Ngunit nang nakita niya ang marami sa mga Fariseo at sa mga Saduseo na dumarating para sa kaniyang bawtismo, sinabi niya sa kanila, “Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas mula sa poot na dumarating?8 Kaya kayo ay mamunga ng mga bunga na karapat-dapat sa pagsisisi.9 At huwag ninyong isipin na sabihin sa inyong mga sarili, ‘Mayroon kaming ama, si Abraham.’ Sapagkat sinasabi ko sa inyo na makakaya ng Diyos na magtindig ng mga anak para kay Abraham mula sa mga batong ito.10 Ngunit ngayon din ay nakalapat na ang palakol sa ugat ng mga punongkahoy. Kaya ang bawat punongkahoy na hindi namumunga ng mabuting bunga ay pinuputol at inihahagis sa apoy.11 Ako nga ang nagbabawtismo sa inyo sa tubig para sa pagsisisi, ngunit siya na dumarating na kasunod ko ay higit na makapangyarihan kaysa sa akin, na hindi ako karapat-dapat na magdala ng kaniyang pangyapak. Siya ang magbabawtismo sa inyo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at sa pamamagitan ng apoy.12 Ang kaniyang pantahip ay nasa kaniyang kamay at kaniyang lilinisin nang lubos ang kaniyang giikan at titipunin ang kaniyang trigo sa loob ng kamalig, ngunit ang ipa ay kaniyang tutupukin sa apoy na hindi namamatay.”13 Sa panahong iyon, mula sa Galilea patungong Jordan, si Jesus ay pumunta kay Juan upang magpabawtismo sa kaniya.14 Ngunit siya ay pinigilan ni Juan na nagsasabi, “Ako ang may kailangan na iyong bawtismuhan, subalit ikaw ang lumalapit sa akin.”15 Ngunit sumagot si Jesus sa kaniya na sinabi, “Payagan mo na ito ay mangyari ngayon sapagkat ganito ang nararapat sa atin upang tuparin ang buong katuwiran.” Kaya pumayag si Juan.16 At nang si Jesus ay nabawtismuhan, kaagad siyang umahon mula sa tubig, at narito, nabuksan ang kalangitan sa kaniya at nakita ni Juan ang Espiritu ng Diyos na bumababang katulad ng isang kalapati at dumadapo kay Jesus.17 At narito, isang tinig mula sa kalangitan ang nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.” | |








