21 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Dinadala ba ang ilawan upang mailagay sa ilalim ng takalan o sa ilalim ng higaan? Hindi ba dapat mailagay ito sa lalagyan ng ilawan?
Matthew 5
14 “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lungsod na nakatayo sa ibabaw ng isang burol ay hindi makakayang itago.15 Ang mga tao ay hindi nagsisindi ng ilawan at inilalagay ito sa ilalim ng takalan°, kundi sa lalagyan ng ilawan at ito ay nagliliwanag sa kanilang lahat na nasa bahay.16 Pagliwanagin ninyo sa ganitong paraan ang inyong ilaw sa harapan ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at luluwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit.