34 Pagkatapos ay sasabihin ng hari sa kanila na nasa kaniyang bahaging kanan, ‘Halikayo, kayong mga pinagpala ng aking Ama. Manahin ninyo ang kahariang inihanda sa inyo mula pa sa pagkatatag ng sanlibutan35 sapagkat ako ay nagutom ngunit binigyan ninyo ako ng makakain. Ako ay nauhaw ngunit binigyan ninyo ako ng maiinom. Ako ay naging dayuhan ngunit ako ay inyong pinatuloy.
Matthew 25
40 Sa pagsagot ng hari ay sasabihin niya sa kanila, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ito ay ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit sa mga kapatid ko, ito ay ginawa ninyo sa akin.’