27 At ang sinumang hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin ay hindi niya kakayaning maging alagad ko,
Luke 9
23 At sinabi niya sa kanilang lahat, “Kung ibig ng sinuman na ako ay sundan, tanggihan niya ang kaniyang sarili at pasanin niya ang kaniyang krus araw-araw at siya ay sumunod sa akin,
Mark 10
21 Ngunit nang si Jesus ay tumingin sa kaniya, siya ay inibig niya at sinabi sa kaniya, “Isang bagay ang kulang sa iyo. Humayo ka at ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik at ibigay mo ang salapi sa mga dukha at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos pumarito ka at sumunod ka sa akin na pinapasan ang krus.”
Mark 8
34 At nang tinawag ni Jesus upang lumapit sa kaniya ang napakaraming tao, kasama ang kaniyang mga alagad, sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang ibig na ako ay sundan, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus at sumunod siya sa akin
Matthew 10
38 At siya na hindi nagpapasan ng kaniyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.
Matthew 16
24 Pagkatapos nito ay sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Kung ang sinuman ay ibig sumunod sa akin, tanggihan niya ang kaniyang sarili, pasanin niya ang kaniyang krus at sumunod siya sa akin.