Ensimmäinen kivi
| Secondary Keywords | Anteeksianto armollinen binato eskriba Jeesus Jeesus kasalanan masintahin mga Fariseo Nainen nainen nangangalunya Opettaja opettaja palayasin pangangalunya |
|---|---|
| Tertiary Keywords | akusahan nagparatang Pimeys sakyan valon valo |
| Mga Banal na Kasulatan | John 81 Si Jesus ay pumunta sa bundok ng mga Olibo. 2 Nang mag-uumaga na, siya ay muling pumunta sa templo. Ang lahat ng mga tao ay lumapit sa kaniya at siya ay nagturo sa kanila habang nakaupo. 3 Dinala sa kaniya ng mga eskriba at ng mga Fariseo ang isang babae na nahuling nangangalunya. Nang nailagay siya sa kalagitnaan 4 sinabi nila sa kaniya, “Guro, ang babaing ito ay nahuli sa paggawa mismo ng pangangalunya. 5 Iniutos sa amin ni Moises sa Kautusan na batuhin ang katulad nito. Ano ang masasabi mo?” 6 Ngunit sinabi nila ito upang subukin siya at upang magkaroon sila ng naipaparatang sa kaniya, subalit yumukod si Jesus at sa pamamagitan ng daliri ay sumulat sa lupa na parang hindi sila naririnig. 7 At sa patuloy nilang pagtatanong sa kaniya ay tumindig siya at sinabi sa kanila, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan, siya ang maunang bumato sa kaniya.” 8 Siya ay muling yumukod at sumulat sa lupa. 9 Pagkarinig nila nito, inusig sila ng kanilang budhi kaya isa-isa silang lumabas, simula sa mga matanda hanggang sa kahuli-hulihan. At tanging si Jesus ang naiwan at ang babaing nakatayo sa kalagitnaan. 10 Nang tumayo si Jesus at wala siyang nakita maliban sa babae, sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ginang, nasaan ang mga nagsasakdal sa iyo? Wala ba kahit isa ang humatol sa iyo?” 11 Sinabi niya, “Wala ni isa, Ginoo.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Kahit ako man ay hindi humahatol sa iyo. Humayo ka at huwag nang magkasalang muli.” 12 Nang magkagayon, nagsalitang muli si Jesus sa kanila na sinasabi, “Ako ang ilaw ng sangkatauhan. Siya na sumusunod sa akin ay hinding-hindi lalakad sa kadiliman kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay.” |








