Tinapay at mga isda
| Secondary Keywords | 5000 himala isda karamihan ng tao lagusan loaves at isda pagbibigay pagkain pagpapakain pagsuko Reseptiä salamat tinapay |
|---|---|
| Tertiary Keywords | kailangan mga kamay pagpapasalamat Ruoka 5000 tinapay |
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 6:1-13 Lucas 9:10-17 Marcos 6:30-44 Matthew 14:13-21 Matthew 6:25 Matthew 6:31 Philippians 4:19 John 61 Pagkatapos ng mga bagay na ito, pumunta si Jesus sa kabilang ibayo ng dagat ng Galilea, ito ang dagat ng Tiberias. 2 Nagsisunod sa kaniya ang lubhang napakaraming tao dahil nakikita nila ang mga tanda na ginagawa niya sa mga may karamdaman. 3 Ngunit umakyat si Jesus sa bundok at naupo siya roon kasama ng kaniyang mga alagad. 4 Noon ay malapit na ang Paglagpas, ang kapistahan ng mga Judio. 5 Kaya nang itinanaw ni Jesus ang kaniyang mga mata at napagmasdan ang lubhang napakaraming taong paparating sa kaniya, sinabi niya kay Felipe, “Saan tayo bibili ng mga tinapay upang makakain ang mga taong ito?” 6 Subalit sinabi niya ito upang subukin siya sapagkat alam ni Jesus kung ano ang dapat niyang gawin. 7 Sumagot si Felipe sa kaniya, “Ang dalawandaang denaryong° halaga ng tinapay ay hindi makakasapat sa kanila upang makatanggap ng kaunti ang bawat isa sa kanila.” 8 Isa sa kaniyang mga alagad, si Andres na kapatid ni Simon Pedro, ay nagsabi sa kaniya, 9 “May isang batang lalaki rito na may limang tinapay na sebada at dalawang isda, ngunit ano ang mga ito sa napakaraming tao?” 10 Gayunpaman ay sinabi ni Jesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” Madamo sa dakong iyon kaya umupo ang mga lalaki na ang bilang ay halos limang libo. 11 At kinuha ni Jesus ang mga tinapay at nang siya ay nakapagpasalamat, ipinamahagi niya sa mga alagad at ipinamahagi naman ng mga alagad sa mga nakaupo, gayundin ang mga isda, gaano man ang gustuhin nila. 12 At nang sila ay nabusog, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Ipunin ninyo ang mga lumabis na mga piraso upang walang anumang masayang.” 13 Kaya inipon nila at napuno nila ang labindalawang bakol ng mga piraso mula sa limang tinapay na sebada na lumabis sa mga nakakain na. Luke 910 Pagbalik ng mga apostol, isinalaysay nila sa kaniya ang lahat ng kanilang mga ginawa. At sila ay isinama niya at pumuntang bukod sa isang ilang na dako ng lungsod na tinatawag na Betsaida. 11 Ngunit nang nalaman ito ng napakaraming tao, sila ay sumunod sa kaniya. Sila ay kaniyang tinanggap at siya ay nagsalita sa kanila patungkol sa paghahari ng Diyos, at sila na nangangailangan ng kagalingan ay kaniyang pinagaling. 12 Nang gumagabi na, lumapit sa kaniya ang labindalawang apostol at sinabi sa kaniya, “Paalisin mo na ang napakaraming tao upang sila ay pumunta sa palibot ng mga nayon at sa mga bukid na matutuluyan nila at sila ay makakahanap ng pagkain sapagkat tayo ay nasa ilang na dako.” 13 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Bigyan ninyo sila ng makakain.” Subalit sinabi nila, “Wala tayong ibang pagkain kundi ang limang tinapay at dalawang isda, maliban na kami ay aalis at makakabili ng pagkain para sa lahat ng mga taong ito” 14 sapagkat ang mga lalaki ay halos limang libo. Ngunit sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Paupuin ninyo sila ng tiglilimampu bawat pangkat.” 15 At gayon ang ginawa nila at pinaupo nila ang lahat. 16 At pagkakuha niya sa limang tinapay at sa dalawang isda, siya ay tumingin sa langit at pinagpala niya ang mga ito, pinagputul-putol at ibinigay sa mga alagad upang ihain sa napakaraming tao. 17 At sila ay kumain at nabusog ang lahat. At ang lumabis na mga piraso na kanilang nakuha ay labindalawang bakol. Mark 630 At ang mga apostol ay sama-samang nagtipon kay Jesus at ibinalita sa kaniya ang lahat ng kanilang mga ginawa at lahat ng kanilang mga itinuro. 31 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Halikayo! Kayo lamang, patungo sa isang ilang na dako at magpahinga kayo sandali” dahil sila na dumarating at sila na umaalis ay marami at wala na silang pagkakataong kumain. 32 Kaya sila lamang ang umalis na nakasakay sa bangka patungo sa ilang na dako. 33 At nakita ng napakaraming tao ang kanilang pag-alis at marami ang nakakilala kay Jesus, at sama-sama silang tumakbo mula sa lahat ng mga lungsod patungo roon at sila ay naunang dumating kaysa sa kanila at sama-samang lumapit kay Jesus. 34 At pagkalunsad ni Jesus, nakita niya ang lubhang napakaraming tao at siya ay nahabag sa kanila sapagkat sila ay katulad ng mga tupang walang pastol, at sila ay sinimulan niyang turuan ng maraming bagay. 35 At pagkalipas ng maraming oras, lumapit kay Jesus ang kaniyang mga alagad at kanilang sinabi, “Ito ay ilang na dako at lumipas na ang maraming oras. 36 Paalisin mo na sila upang sa kanilang pagpunta sa mga karatig pook at sa mga nayon ay makabili ng mga tinapay para sa kanilang sarili sapagkat sila ay walang anumang makakain.” 37 Subalit siya ay sumagot sa kanila na sinabi, “Bigyan ninyo sila ng makakain.” At sinabi nila sa kaniya, “Aalis ba kami upang makabili ng halagang dalawandaang denaryong° tinapay upang mabigyan sila ng makakain?” 38 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Ilang tinapay ang mayroon kayo? Umalis kayo at tingnan ninyo.” Nang nalaman nila ay kanilang sinabi, “Limang tinapay at dalawang isda.” 39 At sila ay inutusan niya upang paupuin silang lahat nang pangkat-pangkat sa luntiang damo. 40 Kaya sila ay umupo nang ayon sa mga hanay ng isandaan at hanay ng limampu. 41 Nang nakuha niya ang limang tinapay at dalawang isda, tumingala siya sa langit at pinagpala at pinagputul-putol ang mga tinapay at ibinigay sa kaniyang mga alagad upang maipamahagi sa kanila, at ang dalawang isda ay ipinamahagi niya sa lahat, 42 at silang lahat ay kumain at nabusog. 43 Kanilang pinulot ang mga pira-piraso ng tinapay at ng mga isda at napuno ang labindalawang bakol. 44 At ang mga kumain ng mga tinapay ay halos limang libong lalaki. Matthew 1413 At nang ito ay narinig ni Jesus, siya ay umalis doon sa pamamagitan ng bangka patungo sa ilang na lugar na nag-iisa. At nang narinig ito ng napakaraming tao, sila ay sumunod sa kaniya nang naglalakad mula sa mga lungsod. 14 At nang lumabas si Jesus, nakita niya ang lubhang napakaraming tao at siya ay nahabag sa kanila at pinagaling niya yaong mga maysakit sa kanila. 15 At sa pagsapit ng takipsilim, ang kaniyang mga alagad ay lumapit sa kaniya na sinasabi, “Ito ay isang ilang na lugar at lumipas na ang oras. Pauwiin mo ang napakaraming tao upang sila ay pumunta sa mga nayon at makabili ng mga pagkain para sa kanilang sarili.” 16 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi nila kinakailangang umalis. Bigyan ninyo sila ng makakain.” 17 At sinabi nila sa kaniya, “Wala tayong anuman dito maliban sa limang tinapay at dalawang isda.” 18 Kaya sinabi niya, “Dalhin ninyo rito sa akin ang mga iyon.” 19 At inutusan niya ang napakaraming tao na umupo sa damuhan. At pagkakuha niya sa limang tinapay at dalawang isda, siya ay tumingala sa langit at kaniyang pinagpala at pagkatapos niyang pinagputol-putol ang mga tinapay ay kaniyang ibinigay sa kaniyang mga alagad at ang mga alagad sa napakaraming tao. 20 At silang lahat ay kumain at nabusog. Pagkatapos ay inipon nila ang mga lumabis na mga piraso ng tinapay at napuno ang labindalawang bakol. 21 At sila na nakakain ay halos limang libong lalaki bukod sa mga babae at mga bata. Matthew 625 “Dahil dito, sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong iinumin, o kung ano ang inyong isusuot sa inyong katawan. Hindi ba ang buhay ay higit pa sa pagkain at ang katawan sa damit? Matthew 631 “Kaya huwag kayong mabalisa na nagsasabi, ‘Ano ang aming kakainin?’ o, ‘Ano ang aming iinumin?’ o, ‘Ano ang aming daramtin?’ Philippians 419 Ngunit ang aking Diyos ang magpupuno sa lahat ng inyong pangangailangan ayon sa kaniyang kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus. |