11 At kinutya siya ni Herodes at ng kaniyang hukbo at nang siya ay nilibak sa pagpapasuot sa kaniya ng marangyang kasuotan, siya ay muling ipinadala ni Herodes kay Pilato.
Mark 15
20 At pagkatapos nila siyang kutyain, hinubad nila sa kaniya ang kulay ubeng damit at isinuot sa kaniya ang kaniyang mga damit. At siya ay kanilang dinala palabas upang ipako sa krus.
Matthew 27
28 At nang siya ay kanilang hinubaran, siya ay kanilang sinuotan ng isang balabal na kulay ube.29 At pagkatapos nilang magsalapid ng isang putong na tinik, inilagay nila ito sa kaniyang ulo at isang tambo sa kaniyang kanang kamay. At sila ay lumuhod sa harap ni Jesus at siya ay kinutya na sinasabi, “Pagbati, ang Hari ng mga Judio!”30 At siya ay kanilang dinuraan, at kinuha nila ang tambo at inihampas nila sa kaniyang ulo.