18 Si Maria na taga-Magdala ay pumunta na ibinabalita sa mga alagad dahil nakita niya ang Panginoon at ang mga bagay na sinabi ni Jesus sa kaniya.
Luke 24
9 Nang sila ay nakauwi mula sa libingan, isinalaysay nila ang lahat ng mga bagay na ito sa labing-isang alagad at sa iba pa.10 Si Maria na taga-Magdala, si Joana, si Maria na ina ni Santiago at ang ibang mga babaing kasama nila ang nagsabi ng mga bagay na ito sa mga apostol.11 At ang kanilang mga salita ay naging parang walang kabuluhan sa kanila at sila ay hindi naniwala sa kanila.12 Ngunit si Pedro ay tumayo at tumakbo patungo sa libingan at pagkayukod niya ay nakita niya ang mga telang lino na lamang ang nakalatag. At siya ay umuwi na namamangha sa kaniyang sarili sa nangyari.
Mark 16
7 Ngunit humayo kayo at sabihin ninyo sa kaniyang mga alagad at kay Pedro, na siya ay mauuna sa inyo sa Galilea. Doon ay makikita ninyo siya kagaya ng sinabi niya sa inyo.”8 Sa kanilang dagliang paglabas, sila ay tumakbo mula sa libingan. Ngunit sila ay nagkaroon ng panginginig at pagtataka kaya wala silang sinabing anuman sa kaninuman dahil sa takot.9 Nang si Jesus ay bumangon sa unang araw ng sanlinggo, siya ay unang nagpakita kay Maria na taga-Magdala, na mula sa kaniya ay pinalabas ni Jesus ang pitong demonyo.10 Pagkaalis ni Maria, isinalaysay niya ito sa kanila na mga naging kasama ni Jesus habang sila ay nagdadalamhati at namimighati.
Matthew 28
8 Kaya sila ay nagmadaling umalis mula sa libingan, na may takot at malaking kagalakan at sila ay tumakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad.9 At habang sila ay nasa daan upang balitaan ang kaniyang mga alagad, narito, sinalubong sila ni Jesus na sinasabi, “Magalak kayo.” At sila ay lumapit at hinawakan ang kaniyang mga paa at siya ay sinamba nila.10 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Huwag kayong matakot. Humayo kayo at ibalita ninyo sa aking mga kapatid upang sila ay makapunta sa Galilea at ako ay makikita nila roon.”