12 Kinabukasan, nang narinig nila na si Jesus ay paparating sa Jerusalem, maraming mga tao na nanggaling sa kapistahan13 ang kumuha ng mga tangkay ng punong palma at lumabas upang salubungin siya at sumigaw, “Hosana! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon,’ Awi 118:25-26 ang Hari ng Israel!”14 Nang natagpuan ni Jesus ang isang batang asno, sumakay siya rito kagaya ng nasusulat,15 “Huwag kang matakot, anak na babae ng Zion! Narito, ang iyong hari ay dumarating na nakasakay sa bisiro.” Zak 9:916 Sa simula ay hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga bagay na ito: subalit nang naluwalhati na si Jesus, saka lamang nila naalala na ang mga bagay na ito ay nasusulat patungkol sa kaniya at ginawa nila ang mga bagay na ito sa kaniya.17 Kaya nga, nagpatotoo ang maraming tao na nakasama niya nang kaniyang tawagin si Lazaro mula sa libingan at ibinangon mula sa mga patay.
Matthew 21
1 Nang sila ay malapit na sa Jerusalem at dumating sa Betfage, patungo sa bundok ng mga Olibo, sa oras na iyon, si Jesus ay nagsugo ng dalawang alagad2 na sinasabi sa kanila, “Pumaroon kayo sa nayon na nasa unahan ninyo at kayo ay makakatagpo kaagad ng isang nakataling asno na may kasamang isang bisiro. Kalagan sila at dalhin ninyo sa akin.3 At kapag may magsabi sa inyo ng anuman, ito ang sasabihin ninyo, ‘Kailangan sila ng Panginoon’ at sila ay kaagad niyang ipapadala.”4 At ang lahat ng ito ay nangyari upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta na sinasabi,5 “Sabihin ninyo sa anak na babae ng Zion, Isa 62:11 ‘Narito, ang iyong hari ay dumarating sa iyo. Siya ay maamo at nakasakay sa isang asno, sa bisirong anak ng asno.’ ” Zak 9:96 Kaya lumakad ang mga alagad at ginawa ang ayon sa iniutos sa kanila ni Jesus.7 At kinuha nila ang asno at ang bisiro, at ipinatong nila sa mga ito ang kanilang mga damit at siya ay iniupo nila sa mga ito.8 At ang lubhang napakaraming tao ay naglatag ng kanilang mga damit sa daan. Ang iba naman ay pumutol ng mga sanga mula sa mga punongkahoy at inilatag sa daan.9 At ang napakaraming tao na nauuna sa kaniya at ang mga sumusunod sa kaniya ay sumigaw na sinasabi, “Hosana sa Anak ni David! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:25-26 Hosana sa kataas-taasan!”10 At nang siya ay pumasok sa Jerusalem, ang buong lungsod ay nayanig na sinasabi, “Sino ito?”11 Kaya sinabi ng napakaraming tao, “Siya ay si Jesus, ang propeta na taga-Nazaret ng Galilea.”