1 Nangyari habang si Jesus ay nasa isang dako at nananalangin, nang siya ay tumigil, isa sa kaniyang mga alagad ang nagsabi sa kaniya, “Panginoon, turuan mo kami na manalangin katulad din ng pagturo ni Juan sa kaniyang mga alagad.”2 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Kapag kayo ay mananalangin, sabihin ninyo: Aming Ama na nasa kalangitan, pakabanalin ang iyong pangalan. Dumating ang iyong paghahari. Mangyari ang iyong kalooban, kung paano sa langit ay maging gayundin sa lupa.3 Ibigay mo sa amin sa araw na ito, ang pang-araw-araw naming pagkain.4 Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan sapagkat pinapatawad din namin ang bawat isang nagkakautang sa amin. Huwag mo kaming dalhin sa tukso, sa halip ay iligtas mo kami mula sa masama.”
Matthew 6
6 Ngunit kapag ikaw ay nananalangin, pumasok ka sa iyong silid at pagkatapos mong isara ang pinto, manalangin ka sa iyong Ama ng palihim at ang iyong Ama na nagmamasid ng palihim ang magbibigay-gantimpala sa iyo nang hayagan.7 At kapag kayo ay nananalangin, huwag ninyong gamitin ang mga paulit-ulit na mga walang kabuluhan katulad ng mga Gentil sapagkat inaakala nila na sa kanilang maraming salita, sila ay pakikinggan.8 “Kaya huwag kayong tumulad sa kanila sapagkat alam na ng inyong Ama kung anu-ano ang inyong mga pangangailangan bago kayo humiling sa kaniya.9 Kaya manalangin kayo sa ganitong paraan: Ama namin na nasa langit, pakabanalin ang pangalan mo.10 Hayaang dumating ang iyong paghahari. Hayaang mangyari ang iyong kalooban kung paano sa langit ay gayundin sa lupa.11 Ibigay mo sa amin sa araw na ito ang pang-araw-araw naming pagkain.12 Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang, kung paano rin kami nagpapatawad sa mga nagkakautang sa amin.13 At huwag mo kaming dalhin sa tukso sa halip ay iligtas mo kami mula sa masama sapagkat sa iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kaluwalhatian magpakailanman. Siya nawa.