Karitsan juhlat
| Secondary Keywords | Ilmoitus Lammas pahimakas profetia pyesta taivaallinen taivas tupa Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Revelation 191 Pagkatapos ng mga bagay na ito, narinig ko ang napakalakas na tinig ng lubhang napakaraming tao sa langit, na nagsasabi, “Aleluya! Ang kaligtasan, ang kaluwalhatian, ang karangalan at ang kapangyarihan ay sa ating Panginoong Diyos, 2 sapagkat ang kaniyang kahatulan ay totoo at matuwid dahil kaniyang hinatulan ang dakilang patutot na sumira sa daigdig sa pamamagitan ng kaniyang pakikiapid, at kaniyang ipinaghiganti ang dugo ng kaniyang mga alipin mula sa kamay ng dakilang patutot.” 3 At sila ay muling sumigaw, “Aleluya! Ang usok ng dakilang patutot ay pumaitaas magpakailan pa man.” 4 At ang dalawampu't apat na matatanda at ang apat na buhay na nilalang ay nagpatirapa at kanilang sinamba ang Diyos na siyang nakaupo sa trono, na sinasabi, “Siya nawa! Aleluya!” 5 At isang tinig ang lumabas mula sa luklukan na sinasabi, “Purihin ninyo ang ating Diyos, kayong lahat na kaniyang alipin at kayong may pagkatakot sa kaniya at ang mga hindi dakila at ang mga dakila.” 6 At narinig ko na ito ay katulad ng isang tinig ng lubhang napakaraming tao at ito ay katulad ng tunog ng maraming tubig at ito ay katulad ng tunog ng malalakas na kulog, na nagsasabi, “Aleluya! Sapagkat ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay naghahari na. 7 Tayo ay magsayang lubos at tayo ay magalak nang lubos at tayo ay magbigay ng kaluwalhatian sa kaniya sapagkat dumating na ang kasal ng Kordero at inihanda na ng kaniyang magiging asawa ang kaniyang sarili.” 8 At ipinagkaloob sa kaniya na siya ay mabihisan ng dalisay at maningning na pinong lino sapagkat ang pinong lino ay ang mga gawang matuwid ng mga banal. 9 At sinabi niya sa akin, “Isulat mo, ‘Pinagpala sila na mga tinawag para sa hapunan ng kasal ng Kordero!’ ” At sinabi niya sa akin, “Ang mga ito ay totoong mga salita ng Diyos.” 10 At ako ay nagpatirapa sa harapan ng kaniyang mga paa upang siya ay sambahin, ngunit sinasabi niya sa akin, “Ingatan mo na huwag mong gawin ito! Ako ay kapwa mo alipin at kapatid mo na mga nagtataglay ng patotoo ni Jesus. Sambahin mo ang Diyos dahil ang patotoo ni Jesus ay ang espiritu ng paghahayag.” 11 At nakita ko ang langit na nakabukas na, at narito ang isang puting kabayo, at yaong nakaupo sa kaniya ay tinatawag na Tapat at Totoo, at siya ay humahatol at nakikipagdigma sa pamamagitan ng katuwiran. 12 At ang kaniyang mga mata ay katulad ng alab ng apoy at sa kaniyang ulo ay maraming putong, at siya ay nagtataglay ng pangalan na nakasulat na walang sinumang nakakaalam maliban sa kaniya. 13 At siya ay nakasuot ng isang kasuotang itinubog sa dugo at tinatawag ang kaniyang pangalan na Salita ng Diyos. 14 At ang mga hukbo sa langit ay sumusunod sa kaniya na nakasakay sa mapuputing kabayo na nakasuot ng maputi at malinis na pinong lino. 15 At lumabas mula sa kaniyang bibig ang isang matalim na tabak upang sa pamamagitan nito ay maari niyang tagain ang mga bansa, at sila ay kaniyang pamamahalaan sa pamamagitan ng tungkod na bakal, Awi 2:9 at kaniyang yuyurakan ang pisaan ng ubas ng labis na galit at ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. 16 At sa kaniyang balabal at sa hita ay mayroong nakasulat na pangalan: HARI NG MGA HARI AT PANGINOON NG MGA PANGINOON. 17 At nakita ko ang isang anghel na nakatayo sa araw at siya ay sumigaw sa lahat ng mga ibon na lumilipad sa himpapawid sa pamamagitan ng napakalakas na tinig na sinasabi, “Halikayo at magtipun-tipon kayo sa hapunan ng dakilang Diyos 18 upang kayo ay kakain ng mga laman ng mga hari at mga laman ng mga pinunong kapitan at mga laman ng malalakas na tao at mga laman ng mga kabayo at mga nakaupo sa kanila, at mga laman ng lahat ng mga taong malaya at mga alipin, at ng mga hindi dakila at mga dakila.” 19 At nakita ko ang mabangis na hayop at ang mga hari ng daigdig at ang kanilang mga hukbo na nagkatipun-tipon upang makipagdigma laban sa kaniya na nakaupo sa kabayo at laban sa kaniyang hukbo. 20 At ang mabangis na hayop ay hinuli at pagkatapos nito ay ang bulaang propeta na siyang gumawa ng mga tanda sa harap niya, na sa pamamagitan ng mga ito ay kaniyang dinaya yaong mga tumanggap ng tatak ng mabangis na hayop at yaong mga sumasamba sa kaniyang pangalan. Ang dalawang ito ay itinapong buhay sa lawa ng apoy na nagniningas sa asupre. 21 At ang mga naiwan ay pinatay niyaong nakaupo sa kabayo sa pamamagitan ng tabak na lumabas mula sa kaniyang bibig. At ang lahat ng mga ibon ay nabusog mula sa laman ng mga ito. |