5 Ang ilan naman ay nahulog sa mababatong lugar kung saan wala itong sapat na lupa. Kaagad itong sumibol dahil hindi malalim ang lupa nito.6 At sa pagsikat ng araw, nalanta ito, at dahil walang naging ugat, ito ay tuluyang natuyo.7 Ang ilan ay nahulog sa dawagan. Ngunit ang mga dawag ay lumago at sinakal ang mga ito.8 Ngunit ang ilan ay nahulog sa mabuting lupa at namunga, ang ilan nga ay tig-isandaan, ang ilan ay tig-animnapu at ang ilan ay tig-tatlumpu.9 Siya na mayroong mga tainga upang makinig, hayaan siyang makinig.”