Jeesus puhuu mykkälle miehelle. Hän laittoi sormensa miehen korviin ja kosketti hänen kieltään. Hän huusi: "Ole avattu!" ja mies pystyi heti kuulemaan ja puhumaan. Muut vammaiset odottivat jonossa.
46 At sila ay dumating sa Jerico. At nang si Jesus ay papalabas sa Jerico kasama ang kaniyang mga alagad at ang napakaraming tao, ang bulag na si Bartimeo na anak ni Timeo ay nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos.47 At nang narinig niya na si Jesus na taga-Nazaret ay naroroon, nagsimula siyang sumigaw at sinabi, “Jesus, Anak ni David, mahabag ka sa akin!”48 At marami ang sumaway sa kaniya upang mapatahimik siya ngunit lalo pa siyang sumigaw, “Anak ni David, mahabag ka sa akin.”49 At nang huminto si Jesus, sinabi niya na tawagin siya. At tinawag nila ang bulag na sinasabi sa kaniya, “Lakasan mo ang iyong loob. Tumindig ka, tinatawag ka ni Jesus.”50 At pagkatapon niya ng kaniyang balabal, siya ay tumayo at lumapit kay Jesus.51 Kaya sumagot si Jesus na sinabi sa kaniya, “Ano ang ibig mong gawin ko sa iyo?” At ang bulag ay nagsabi sa kaniya, “Rabbi, ang mapanumbalik ang aking paningin.”52 At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Humayo ka, ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo.” At kaagad napanumbalik ang paningin ng bulag at siya ay sumunod kay Jesus sa daan.
Mark 7
32 At kanilang dinala kay Jesus ang lalaking bingi na nahihirapang magsalita at sila ay nagsumamo sa kaniya na maipatong niya sa lalaking ito ang kaniyang kamay.33 At nang nailayo siya nang bukod mula sa napakaraming tao, inilagay ni Jesus ang kaniyang mga daliri sa mga tainga ng lalaki, at pagkatapos dumura ni Jesus, hinawakan niya ang dila ng lalaki.34 Nang siya ay tumingala sa langit, siya ay dumaing at sinabi sa lalaki, “Efata” na ang ibig sabihin ay “Bumukas ka.”35 At ang mga tainga ng lalaki ay nabuksan kaagad at nakalag ang pumipigil sa kaniyang dila at nagsasalita na siya nang matuwid.36 Kaya binilinan sila ni Jesus na hindi nila ito dapat sabihin kaninuman. Ngunit habang sila ay pinagbabawalan, lalo naman nila itong ipinamamalita.37 At sila ay lubhang nanggigilalas na sinasabi, “Mabuti ang lahat ng kaniyang ginawa. Ginagawa niyang ang mga bingi ay makarinig at ang mga pipi ay makapagsalita.”