13 At dinala nila kay Jesus ang maliliit na bata upang sila ay kaniyang mahawakan, ngunit sinaway ng mga alagad ang mga nagdadala sa mga bata.14 Subalit labis na nagalit si Jesus nang nakita ito, at sinabi niya sa kanila, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata at huwag ninyo silang hadlangan, sapagkat sa mga katulad nila nauukol ang paghahari ng Diyos.15 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, ang sinumang hindi tatanggap sa paghahari ng Diyos katulad ng isang maliit na bata ay hinding-hindi makakapasok doon.”16 At nang sila ay nayakap ni Jesus, sila ay pinagpala niya nang kaniyang ipinatong ang kaniyang mga kamay sa kanila.