Pietari kiistää Kristuksen kolme kertaa
| Avainsanat | Manning de t. lee manok |
|---|---|
| Secondary Keywords | ang mga kuwento sa Bibliya Balkonahe bantay Joulu karamihan ng tao Kieltäjät malungkot mga kamay naghahanap ng nakatali nalulungkot pagtanggi pagtangging sumampalataya Peter denies Kristo sa tandang |
| Mga Banal na Kasulatan | John 1812 Hinuli nga si Jesus ng batalyon ng mga kawal, ng pinunong kapitan at ng mga opisyal ng mga pinuno ng mga Judio at siya ay kanilang ginapos. 13 Siya ay dinala muna nila kay Anas na biyenang lalaki ni Caifas na pinakapunong saserdote ng taon ding iyon. 14 Si Caifas ang nagbigay ng payo sa mga pinuno ng mga Judio na makabubuti na isang tao ang mamatay para sa mga tao. 15 Si Simon Pedro at ang isa pang alagad ay sumunod kay Jesus. Ang alagad na iyon ay kilala ng pinakapunong saserdote kaya siya ay pumasok na kasama ni Jesus sa bulwagan ng pinakapunong saserdote. 16 Subalit si Pedro ay nakatayo sa labas ng pintuan. Kaya, ang alagad na kilala ng pinakapunong saserdote ay lumabas at kinausap ang babaing tagapagbantay sa pintuan at pinapasok si Pedro. 17 Sinabi nga kay Pedro ng aliping babae na tagapagbantay sa pintuan, “Hindi ba ikaw ay isa sa mga alagad ng taong ito?” Sinabi niya, “Hindi ako.” 18 Ang mga alipin at mga opisyal ay nakatayo roon na nagpabaga ng uling sapagkat malamig noon at pinapainitan nila ang kanilang mga sarili. Si Pedro rin ay nakatayo kasama nila at pinapainitan ang kaniyang sarili. 19 Tinanong si Jesus ng pinakapunong saserdote patungkol sa kaniyang mga alagad at sa kaniyang katuruan. 20 Sumagot si Jesus sa kaniya, “Ako ay hayagang nagsalita sa sangkatauhan. Ako ay palaging nagtuturo sa sinagoga at sa templo na palaging pinagtitipunan ng mga Judio at wala akong sinabing lihim. 21 Bakit mo ako tinatanong? Tanungin mo ang mga nakarinig sa akin kung ano ang sinabi ko sa kanila. Narito, alam nila ang sinabi ko.” 22 Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, isa sa mga opisyal na nakatayo ang sumampal kay Jesus. Sinabi niya, “Sa ganiyang paraan ka ba sumagot sa pinakapunong saserdote?” 23 Sumagot sa kaniya si Jesus, “Kung masama ang aking sinabi, patunayan mo kung ito ay masama, subalit kung mabuti, bakit mo ako hinahampas?” 24 Kaya iniutos ni Anas na nakagapos siyang dalhin kay Caifas na pinakapunong saserdote. 25 Si Simon Pedro ay nakatayo at pinapainitan ang kaniyang sarili. Sinabi nga nila sa kaniya, “Hindi ba ikaw rin ay isa sa kaniyang mga alagad?” Ipinagkaila niya ito at sinabi, “Hindi ako!” 26 Sinabi ng isa sa mga alipin ng pinakapunong saserdote na kamag-anak niyaong tinigpasan ni Pedro ng tainga, “Hindi ba nakita kitang kasama niya sa halamanan?” 27 Kaya muling nagkaila si Pedro at kaagad tumilaok ang tandang. Luke 2254 At nang siya ay kanilang hinuli, siya ay isinama nila sa bahay ng pinakapunong saserdote, at si Pedro ay sumusunod na may kalayuan. 55 At pagkatapos ng kanilang pagsiga sa gitna ng patyo at sama-samang pag-upo, si Pedro ay umupo sa kalagitnaan nila. 56 Ngunit isang utusang babae ang nakakita kay Pedro na nakaupong malapit sa apoy. Siya ay tumitig kay Pedro at sinabi, “Ang isa ring ito ay kasama niya.” 57 At ipinagkaila ni Pedro si Jesus, na sinasabi, “Ginang, hindi ko siya kilala.” 58 At pagkalipas ng ilang sandali, may isa pang nakakita sa kaniya at sinabi, “Ikaw rin ay kasama nila.” Subalit sinabi ni Pedro, “Ginoo, hindi ako kasama.” 59 At pagkalipas nang halos isang oras, may isang mariing nagsalita na sinasabi, “Totoo na ang isa ring ito ay kasama niya sapagkat siya rin ay taga-Galilea.” 60 Subalit sinabi ni Pedro, “Ginoo, hindi ko alam ang sinasabi mo.” At habang siya ay nagsasalita pa, ang tandang ay tumilaok kaagad. 61 At nang lumingon ang Panginoon, tiningnan niya si Pedro. At naalala ni Pedro ang salita ng Panginoon katulad ng sinabi niya sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang, ipagkakaila mo ako ng tatlong ulit.” 62 At nang si Pedro ay lumabas, siya ay tumangis nang buong pait. 63 At si Jesus ay nilibak at hinagupit ng mga lalaking humuli sa kaniya. 64 At nang siya ay piringan nila, siya ay kanilang hinampas sa mukha at siya ay tinanong na sinasabi, “Ihayag mo, sino ang sumampal sa iyo?” 65 At marami pang mga bagay ang sinabi nila sa kaniya sa mapaglapastangang pamamaraan. 66 At nang umaga na, nagkatipon ang matatanda ng bayan, ang mga punong saserdote, gayundin ang mga eskriba, at si Jesus ay dinala nila sa kanilang Sanhedrin, na sinasabi, 67 “Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo sa amin.” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kapag sasabihin ko sa inyo, kailanman ay hindi kayo maniniwala. 68 At kapag ako rin ay magtatanong sa inyo, hindi ninyo ako sasagutin, ni palalayain. 69 Simula ngayon, ang Anak ng Tao ay uupo sa kanan ng kapangyarihan ng Diyos.” 70 At ang lahat ay nagsabi, “Ikaw nga ba ang Anak ng Diyos?” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kayo ang nagsasabi na ako nga.” 71 Kaya sinabi nila, “Ano pang patotoo ang kailangan natin, sapagkat tayo na mismo ang nakarinig mula sa kaniyang bibig?” Matthew 2657 Dinala si Jesus ng mga dumakip sa kaniya kay Caifas na pinakapunong saserdote kung saan nagkatipon ang mga eskriba at ang matatanda. 58 Ngunit si Pedro ay sumunod sa kaniya mula sa malayo hanggang sa bulwagan ng pinakapunong saserdote. At siya ay pumasok at naupong kasama ng mga opisyal upang makita ang magaganap. 59 Subalit ang mga punong saserdote at ang matatanda at ang buong Sanhedrin ay naghanap ng huwad na saksi laban kay Jesus upang siya ay kanilang maipapatay, 60 ngunit sila ay walang natagpuan. At bagaman maraming huwad na saksi ang lumapit, sila ay walang nasumpungan. Ngunit sa huli ay lumapit ang dalawang huwad na saksi 61 at nagsabi, “Sinabi ng lalaking ito, ‘Kaya kong wasakin ang banal na dako ng templo ng Diyos at ito ay itatayo ko sa loob ng tatlong araw.’ ” 62 Kaya tumayo ang pinakapunong saserdote at sinabi sa kaniya, “Wala ka bang isasagot? Ano ang mga ito na ipinaparatang laban sa iyo?” 63 Ngunit si Jesus ay nanahimik. At sumagot ang pinakapunong saserdote at sinabi sa kaniya, “Inuutusan kita sa pamamagitan ng Diyos na buhay na sabihin mo sa amin kung ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos?” 64 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ikaw ang nagsabi. Gayunpaman ay sinasabi ko sa iyo, mula ngayon ay makikita mo ang Anak ng Tao na nakaupo sa bahaging kanan ng Makapangyarihan at dumarating na nasa mga ulap ng langit.” 65 Kaya pinunit ng pinakapunong saserdote ang kaniyang damit, na sinasabi, “Siya ay naglapastangan. Ano pang mga patotoo ang kailangan natin? Narito, ngayon ay narinig ninyo ang kaniyang paglapastangan. 66 Ano ang sa palagay ninyo?” Sila ay sumagot at sinabi, “Siya ay nararapat sa kamatayan!” 67 Pagkatapos ay kanilang dinuraan sa mukha si Jesus at siya ay kanilang sinuntok, at siya ay sinampal ng iba, 68 na sinasabi, “Ihayag mo sa amin, Cristo! Sino ang sumuntok sa iyo?” 69 Si Pedro ay nakaupo sa labas ng bulwagan at lumapit sa kaniya ang isang utusang babae na nagsasabi, “Ikaw ay kasama rin ni Jesus na taga-Galilea.” 70 Subalit siya ay nagkaila sa harapan ng lahat na sinasabi, “Hindi ko alam ang sinasabi mo.” 71 At nang siya ay lumabas patungo sa tarangkahan, siya ay nakilala ng isa pang utusang babae at sinabi niya sa kanila na naroroon, “Ang lalaki ring ito ay kasama ni Jesus na taga-Nazaret.” 72 At siya ay muling nagkaila na may panunumpa, “Hindi ko kilala ang lalaking iyon.” 73 Ngunit pagkaraan ng ilang sandali, lumapit sa kaniya yaong mga nakatayo at sinabi kay Pedro, “Totoo naman na ikaw ay isa rin sa kanila sapagkat ang iyong pananalita ang malinaw na nagpapakilala sa iyo.” 74 Kaya siya ay nagsimulang magsalita ng masama at manumpa, “Hindi ko kilala ang lalaking iyon.” At kaagad tumilaok ang tandang. 75 At naipaalala kay Pedro ang salita ni Jesus na sinabi sa kaniya, “Bago tumilaok ang tandang ay tatlong ulit mo akong ipagkakaila.” At siya ay lumabas at tumangis na may kapaitan. |