6 “Subalit nangyari, na habang ako ay naglalakbay at papalapit sa Damasco nang magtatanghaling-tapat, biglang nagningning sa paligid ko ang isang napakaningning na liwanag na nagmula sa langit.7 Bumagsak ako sa lupa at narinig ko ang tinig na nagsasabi sa akin, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako pinagmamalupitan?’
Acts 26
12 “Dahil dito, habang ako naman ay naglalakbay patungong Damasco na may kapamahalaan at pahintulot mula sa mga punong saserdote,13 sa katanghalian, O Hari, nakita ko sa daan ang isang liwanag na mula sa langit na maningning pa kaysa sa araw, na nagliwanag sa palibot ko at sa kanila na mga kasama kong naglalakbay.14 At nang kaming lahat ay bumagsak sa lupa, narinig ko ang isang tinig na nakikipag-usap sa akin at nagsasabi sa wikang Hebreo, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako pinagmamalupitan? Mahirap sa iyo ang tumadyak sa mga pantusok.’
Acts 9
3 At sa kaniyang paglalakbay, nang papalapit na siya sa Damasco, biglang nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit.4 Bumagsak siya sa lupa at narinig ang tinig na nagsasabi sa kaniya, “Saulo, Saulo, bakit mo ako pinagmamalupitan?”