7 Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao?
James 1
27 Ang dalisay at walang dungis na relihiyon sa harapan ng Diyos at Ama ay ito: ang pagdalaw sa mga ulila at sa mga babaing balo sa kanilang kahirapan, at ang pag-iingat sa kaniyang sarili na walang dungis mula sa sanlibutan.
Matthew 25
40 Sa pagsagot ng hari ay sasabihin niya sa kanila, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ito ay ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit sa mga kapatid ko, ito ay ginawa ninyo sa akin.’41 “Pagkatapos ay sasabihin din niya sa kanila na nasa bahaging kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, kayong mga isinumpa patungo sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel42 sapagkat ako ay nagutom ngunit ako ay hindi ninyo binigyan ng makakain. Ako ay nauhaw ngunit ako ay hindi ninyo binigyan ng maiinom.43 Ako ay naging dayuhan ngunit ako ay hindi ninyo pinatuloy. Ako ay naging hubad ngunit ako ay hindi ninyo dinamtan. Ako ay nagkasakit at nabilanggo ngunit ako ay hindi ninyo dinalaw.’44 “Sa oras na iyon ay sasagot din sila sa kaniya na sinasabi, ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagutom, o nauhaw, o naging dayuhan, o naging hubad, o nagkasakit, o nabilanggo at hindi kami naglingkod sa iyo?’45 Kaya siya ay sasagot sa kanila na sinasabi, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ito ay hindi ninyo ginawa para sa isa sa mga pinakamaliit na ito, ito ay hindi ninyo ginawa sa akin.’46 At ang mga ito ay pupunta sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay patungo sa buhay na walang hanggan.”