7 At dinala nila ang bisiro kay Jesus, at isinapin nila sa ibabaw nito ang kanilang mga damit at sinakyan ito ni Jesus.8 Kaya marami ang naglatag ng kanilang mga damit sa daan, at ang iba ay pumutol ng mga sanga ng mga punongkahoy at inilatag ang mga ito sa daan.9 Ang mga nauuna at ang mga sumusunod ay sumisigaw na sinasabi, “Hosana! ‘Pinagpala siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon!’ Awi 118:25-2610 Papuri sa dumarating na paghahari ng ating amang si David na pumaparito sa pangalan ng Panginoon! Hosana sa kataas-taasan!”11 At pumasok si Jesus sa Jerusalem at sa loob ng templo. Pagkatingin niya sa palibot sa lahat ng mga bagay, siya ay lumabas patungo sa Betania kasama ang labindalawa yamang sumasapit na ang gabi.