Johanneksen visio löytyi Jeesuksen ilmestyksestä ”ensimmäinen ja viimeinen” seitsemän lampunjalkaa keskellä. Pidä seitsemän tähteä oikeassa kädessään ja terävä kaksi terävää miekkaa, joka tulee hänen suustansa.
9 Ako si Juan, na inyo ring kapatid at kabahagi sa mga paghihirap at sa paghahari at sa pagtitiis ni Jesu-Cristo. Ako ay nasa pulo na tinatawag na Patmos dahil sa salita ng Diyos at dahil sa patotoo ni Jesu-Cristo.10 Ako ay nasa Espiritu sa Araw ng Panginoon at narinig ko sa aking likuran ang napakalakas na tinig na katulad sa tunog ng trumpeta,11 na nagsasabi, “Ako ang Alpha at ang Omega, ang una at ang huli,” at “Isulat mo sa isang aklat ang iyong nakikita at ipadala sa pitong iglesiya na nasa Asya: sa Efeso, sa Esmirna, sa Pergamos, sa Tiyatira, sa Sardis, sa Filadelfia at sa Laodicea.”12 At ako ay lumingon upang kilalanin ang tinig na nagsalita sa akin. Sa aking paglingon ay nakita ko ang pitong gintong lalagyan ng ilawan,13 at sa gitna ng pitong lalagyan ng ilawan ang katulad sa Anak ng Tao na nakasuot ng kasuotang abot sa paa at nakabigkis ng gintong pamigkis sa bandang mga dibdib.14 Ang kaniyang ulo at ang kaniyang mga buhok ay katulad ng maputing balahibo ng tupa na kasimputi ng niyebe, at ang kaniyang mga mata ay katulad ng alab ng apoy.15 Ang kaniyang mga paa ay katulad ng makinang na tanso na tulad ng sinilaban sa pugon, at ang kaniyang tinig ay katulad ng tunog ng maraming tubig.16 Siya ay nagtataglay ng pitong bituin sa kaniyang kanang kamay at mula sa kaniyang bibig ay lumalabas ang matalas na tabak na may dalawang-talim at ang kaniyang mukha ay katulad ng araw na sumisikat ng matindi.17 At nang siya ay nakita ko, ako ay bumagsak sa kaniyang paanan na parang patay at ipinatong niya sa akin ang kaniyang kanang kamay na sinasabi sa akin, “Huwag kang matakot. Ako ang una at ang huli.18 Ako yaong nabubuhay at ako ay namatay, ngunit narito, ako ay nabubuhay magpakailan pa man. Siya nawa. Ako ang nagtataglay ng mga susi ng Hades at ng Kamatayan.19 Isulat mo ang mga bagay na iyong nakita at ang mga bagay sa kasalukuyan at ang mga bagay na mangyayari pagkatapos nito.20 Ang hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa aking kanang kamay at ang pitong gintong lalagyan ng ilawan: ang pitong bituin ay ang mga anghel ng pitong iglesiya at ang pitong gintong lalagyan ng ilawan na iyong nakita ay ang pitong iglesiya.”
Revelation 21
6 At sinabi niya sa akin, “Ang lahat ay naganap na. Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas. Ako ang magbibigay ng tubig ng buhay na walang bayad mula sa bukal sa kaniya na nauuhaw.
Revelation 22
13 Ako ang Alpha at ang Omega, ang simula at ang wakas, ang una at ang huli.”