8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan kapag dumating na sa inyo ang Banal na Espiritu at kayo ay magiging aking mga tagapagpatotoo sa Jerusalem, sa buong Judea, sa Samaria at sa pinakamalayong bahagi ng daigdig.”
Hebrews 13
16 Ngunit huwag ninyong kalimutan ang paggawa ng mabuti at ang pakikibahagi sa pagbibigay sapagkat nalulugod ang Diyos sa mga handog na katulad nito.
Mark 16
15 At sinabi niya sa kanila, “Sa inyong paghayo sa buong sanlibutan, ipangaral ninyo ang ebanghelyo sa bawat nilikha.16 Siya na sumampalataya at mabawtismuhan ay maliligtas, ngunit siya na hindi sumampalataya ay hahatulan.
Matthew 10
8 Pagalingin ninyo ang mga maysakit, linisin ninyo ang mga ketongin, buhayin ninyo ang mga patay at palayasin ninyo ang mga demonyo. Ang tinanggap ninyong walang bayad ay ibigay ninyong walang bayad.
Matthew 25
37 “Sa oras na iyon ay sasagot ang mga matuwid sa kaniya na sinasabi, ‘Panginoon, kailan ka namin nakitang nagugutom at pinakain ka namin, o nauuhaw at binigyan ka namin ng maiinom?38 At kailan ka namin nakitang naging dayuhan at pinatuloy ka namin, o naging hubad at dinamitan ka namin?39 Kailan ka namin nakitang nagkasakit o nabilanggo at kami ay pumunta sa iyo?’40 Sa pagsagot ng hari ay sasabihin niya sa kanila, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ito ay ginawa ninyo sa isa sa pinakamaliit sa mga kapatid ko, ito ay ginawa ninyo sa akin.’
Matthew 28
18 At si Jesus ay lumapit at nagsalita sa kanila na sinasabi, “Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa lupa ay ibinigay sa akin.19 Kaya sa inyong paghayo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, na binabawtismuhan sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu,20 na tinuturuan silang ganapin ang lahat ng mga bagay, anuman ang aking iniutos sa inyo. At narito, ako ay kasama ninyo sa lahat ng mga araw hanggang sa katapusan ng kapanahunang ito.” Siya nawa!
Proverbs 22
9 Ang may magandang-loob na mata ay pagpapalain: sapagka't nagbibigay ng kaniyang tinapay sa dukha.