6 Nang malapit na siyang ilabas ni Herodes, sa gabing iyon, si Pedro ay natutulog sa pagitan ng dalawang kawal, iginapos sa dalawang tanikala at sa harap ng pintuan ay may mga kawal na nagbabantay ng kulungan.7 At narito, ang isang anghel ng Panginoon ay tumayo sa tabi niya at ang ilaw ay nagliwanag sa kulungan. At tinapik niya si Pedro sa tagiliran at kaniyang ginising na sinasabi, “Bumangon kang madali.” At nalaglag ang mga tanikala mula sa kaniyang mga kamay.