24 “Kaya ang sinumang dumirinig sa mga salita kong ito at isinasagawa ang mga ito, siya ay ihahalintulad ko sa isang lalaking matalino na nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng bato.25 At bumuhos ang ulan at dumating ang baha at umihip ang hangin at kanilang hinampas ang bahay na iyon, ngunit iyon ay hindi bumagsak sapagkat iyon ay nakatatag sa ibabaw ng bato.26 “At ang bawat isang dumirinig sa mga salita kong ito at hindi isinasagawa ang mga ito ay maihahalintulad sa isang lalaking mangmang na nagtayo ng kaniyang bahay sa ibabaw ng buhangin.27 At bumuhos ang ulan at dumating ang mga baha at umihip ang mga hangin at kanilang hinampas ang bahay na iyon at iyon ay bumagsak at lubos ang kaniyang pagkawasak.”