21 At nangyari, nang ang lahat ng tao ay nabawtismuhan at si Jesus ay nabawtismuhan at nanalangin, ang langit ay nabuksan.
Mark 1
9 At nangyari sa mga araw na iyon na si Jesus ay dumating mula sa Nazaret ng Galilea at binawtismuhan siya ni Juan sa ilog ng Jordan.
Matthew 3
13 Sa panahong iyon, mula sa Galilea patungong Jordan, si Jesus ay pumunta kay Juan upang magpabawtismo sa kaniya.14 Ngunit siya ay pinigilan ni Juan na nagsasabi, “Ako ang may kailangan na iyong bawtismuhan, subalit ikaw ang lumalapit sa akin.”15 Ngunit sumagot si Jesus sa kaniya na sinabi, “Payagan mo na ito ay mangyari ngayon sapagkat ganito ang nararapat sa atin upang tuparin ang buong katuwiran.” Kaya pumayag si Juan.16 At nang si Jesus ay nabawtismuhan, kaagad siyang umahon mula sa tubig, at narito, nabuksan ang kalangitan sa kaniya at nakita ni Juan ang Espiritu ng Diyos na bumababang katulad ng isang kalapati at dumadapo kay Jesus.17 At narito, isang tinig mula sa kalangitan ang nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.”