Jeesuksen jäljillä Temppelin puhdistaminen; pöydät voidaan nähdä käännettyinä ja Jeesus seisoo säteilynsä askeleilla, kun papit seisovat takana. Vanha taideteos
12 At si Jesus ay pumasok sa templo ng Diyos at itinaboy niya ang lahat ng mga nagtitinda at mga namimili sa templo at itinaob niya ang mga mesa ng mga mamamalit-salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati.13 Sinabi niya sa kanila, “Nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan,’ Isa 56:7 ngunit ginawa ninyo itong ‘yungib ng mga tulisan.’ ” Jer 7:1114 At lumapit ang mga bulag at mga pilay kay Jesus sa templo at sila ay pinagaling niya.15 Ngunit nang nakita ng mga punong saserdote at ng mga eskriba ang mga kamangha-manghang bagay na ginawa niya at ang mga batang sumisigaw sa loob ng templo, na sinasabi, “Hosana sa Anak ni David!” sila ay lubhang nagalit.16 Kaya sinabi nila kay Jesus, “Naririnig mo ba ang sinasabi ng mga ito?” At sinabi ni Jesus sa kanila, “Oo, hindi ba ninyo nabasa, ‘Mula sa bibig ng mga bata at ng mga sanggol na sumususo ay inihanda mo ang papuri’?” Awi 8:2