5 Kaya si Pedro ay ipinabantayan sa bilangguan, ngunit nagkaroon ng maningas na panalangin sa Diyos ang iglesiya alang-alang sa kaniya.6 Nang malapit na siyang ilabas ni Herodes, sa gabing iyon, si Pedro ay natutulog sa pagitan ng dalawang kawal, iginapos sa dalawang tanikala at sa harap ng pintuan ay may mga kawal na nagbabantay ng kulungan.7 At narito, ang isang anghel ng Panginoon ay tumayo sa tabi niya at ang ilaw ay nagliwanag sa kulungan. At tinapik niya si Pedro sa tagiliran at kaniyang ginising na sinasabi, “Bumangon kang madali.” At nalaglag ang mga tanikala mula sa kaniyang mga kamay.8 At sinabi sa kaniya ng anghel, “Magbihis ka at isuot mo ang iyong mga panyapak.” At gayon ang ginawa niya. At sinabi ng anghel sa kaniya, “Isuot mo ang iyong balabal at sumunod ka sa akin.”9 At siya ay lumabas at sumunod sa anghel at hindi niya alam na totoo ang nangyayaring ito sa pamamagitan ng anghel, gayunpaman, inakala niyang nakakita siya ng pangitain.10 Pagkalagpas nila sa una at ikalawang kulungan, dumating sila sa tarangkahang bakal na patungo sa lungsod at ito ay kusang nabuksan para sa kanila. At pagkalabas nila, sila ay dumaan sa isang lansangan at kaagad siyang iniwan ng anghel.