13 Kaya lumapit si Jesus, kinuha ang tinapay at ibinigay sa kanila, ganoon din ang ginawa niya sa isda.14 Ito na ang pangatlong pagpapakita ni Jesus sa kaniyang mga alagad mula nang siya ay ibinangon mula sa mga patay.15 Kaya pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, “Simon, anak ni Jonas, iniibig mo ba ako nang higit sa mga ito?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon, nalalaman mong minamahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking mga kordero.”