20 Pagkarinig ni Marta na dumarating si Jesus, siya ay kaniyang sinalubong, ngunit si Maria ay nanatiling nakaupo sa loob ng bahay.21 Sinabi nga ni Marta kay Jesus, “Panginoon, kung naririto ka, hindi namatay ang aking kapatid,22 ngunit alam ko na kahit ngayon, anuman ang hihilingin mo sa Diyos ay ibibigay sa iyo ng Diyos.”23 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang iyong kapatid ay muling babangon.”24 Sinabi ni Marta sa kaniya, “Alam ko na siya ay muling babangon sa muling pagkabuhay sa huling araw.”25 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Siya na sumasampalataya sa akin bagaman siya ay mamamatay, siya ay mabubuhay.26 Ang bawat nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hinding-hindi mamamatay magpakailanman. Sinasampalatayanan mo ba ito?”27 Sinabi niya sa kaniya, “Oo, Panginoon, ako ay sumasampalataya na ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos na darating sa sanlibutan.”