6 At nangyari rin sa ibang araw ng Sabat, na siya ay pumasok sa sinagoga upang magturo, at may isang lalaki roon na ang kanang kamay ay natuyot.7 Ngunit siya ay minamatyagan ng mga eskriba at ng mga Fariseo kung siya ay magpapagaling sa araw ng Sabat upang sila ay makakita ng maipaparatang laban sa kaniya.8 Subalit alam ni Jesus ang kanilang mga iniisip kaya sinabi niya sa lalaking natuyot ang kamay, “Bumangon ka at tumayo ka sa kalagitnaan.” Kaya siya ay bumangon at tumayo.9 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila, “Magtatanong ako sa inyo ng isang bagay, Ipinahihintulot ba sa mga araw ng Sabat ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?”10 At siya ay tumingin sa kanilang lahat sa palibot at sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” At ginawa niya ang gayon at ang kaniyang kamay ay nanumbalik na magaling katulad ng isa.
Mark 3
1 Muling pumasok si Jesus sa sinagoga at naroroon ang isang lalaki na may natuyot na kamay.2 At si Jesus ay minamatyagan nila kung pagagalingin niya ang lalaking iyon sa mga araw ng Sabat upang siya ay maparatangan nila.3 Sinabi ni Jesus sa lalaking iyon na may natuyot na kamay, “Tumindig ka sa kalagitnaan.”4 At sinabi niya sa kanila, “Ipinahihintulot ba ang gumawa ng kabutihan o ang gumawa ng kasamaan sa mga araw ng Sabat? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?” Subalit sila ay nanahimik.5 Nang may galit na tumingin si Jesus sa kanila na nasa paligid, siya ay nagdalamhati dahil sa katigasan ng kanilang puso. Sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Kaya iniunat niya ito at ang kaniyang kamay ay nanumbalik na magaling kagaya ng isa.6 Nang lumabas ang mga Fariseo, kaagad silang sumangguni sa mga tagasunod ni Herodes laban sa kaniya kung paano nila maipapatay si Jesus.
Matthew 12
9 At pagkaalis niya roon, siya ay pumasok sa kanilang sinagoga.10 Narito, may isang lalaki na natuyot ang kamay. At tinanong nila si Jesus na sinabi, “Ipinapahintulot ba na magpagaling sa mga araw ng Sabat?” Siya ay tinanong nila upang siya ay kanilang maparatangan.11 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Sino kaya sa inyo ang taong mayroong isang tupa, at kung ito ay mahulog sa hukay sa mga araw ng Sabat, hindi kaya niya ito kukunin at iaahon?12 Gaano pa kaya ang isang tao na higit na mahalaga kaysa sa tupa? Kung gayon, ipinapahintulot ang gumawa ng mabuti sa mga araw ng Sabat.”13 Pagkatapos nito ay sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Kaya iniunat niya ito at ito ay naipanumbalik na magaling katulad ng isa.