3 Kaya ako ay kaniyang dinala patungo sa ilang sa pamamagitan ng Espiritu at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa pulang mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay na punung-puno ng mga pangalan ng paglapastangan.4 At ang babae ay nakadamit ng kulay ube at pula, at siya ay nagayakan ng ginto at mamahaling bato at mga perlas, at may isang sarong ginto sa kaniyang kamay na punung-puno ng mga bagay na karumal-dumal at ng karumihan ng kaniyang pakikiapid.