22 Kaya si Pablo ay tumayo sa gitna ng Burol ng Areo at kaniyang sinabi, “Mga ginoo, mga taga-Atenas, nakikita ko na kayo ay lubhang mapaniwala sa mga diyos sa lahat ng mga bagay23 sapagkat habang ako ay dumadaan at pinagmamasdan ko ang mga bagay na inyong sinasamba, nakita ko rin ang isang dambana kung saan ay nakasulat, SA HINDI NAKIKILALANG DIYOS. Kaya siya nga na inyong sinasamba bagaman siya ay hindi ninyo kilala, siya ang aking ipinangangaral sa inyo.