3 At sa kaniyang paglalakbay, nang papalapit na siya sa Damasco, biglang nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit.4 Bumagsak siya sa lupa at narinig ang tinig na nagsasabi sa kaniya, “Saulo, Saulo, bakit mo ako pinagmamalupitan?”5 At sinabi niya, “Sino ka Panginoon?” At sinabi ng Panginoon, “Ako si Jesus na iyong pinagmamalupitan. Mahirap para sa iyo ang tumadyak sa mga pantusok.”6 At habang siya ay nanginginig at namamangha, sinabi niya, “Panginoon, ano ang ninanais mong gawin ko?” Sinabi ng Panginoon sa kaniya, “Tumindig ka at pumunta ka sa lungsod at sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”7 Ngunit ang mga taong kasama niya sa paglalakbay ay nakatayo na hindi makapagsalita, yamang naririnig nga nila ang tinig ngunit wala silang nakikitang sinuman.8 At pagtayo ni Saulo mula sa lupa, idinilat niya ang kaniyang mga mata ngunit wala siyang makita. Kaya siya ay kanilang inaakay na dinala patungo sa Damasco.9 Tatlong araw siyang hindi nakakakita at hindi siya kumain, ni uminom man.