1 Ngunit patungkol sa paglikom para sa mga banal ay gayundin ang gawin ninyo katulad sa aking ibinilin sa mga iglesiya sa Galacia.2 Tuwing unang araw ng sanlinggo, ang bawat isa sa inyo ay maglaan sa pamamagitan ng pagbubukod ayon sa pagpapala ng Diyos sa kaniya upang sa aking pagdating ay wala nang paglilikom na gagawin.3 At kapag ako ay makarating, sinuman ang inyong pinagpasyahan sa pamamagitan ng sulat, sila ang aking isusugo upang magdala ng inyong kaloob sa Jerusalem.
Romans 15
26 sapagkat ikinalugod ng mga taga-Macedonia at ng mga taga-Acaya ang makapagbigay ng anumang kaloob para sa mga mahihirap na mga banal na nasa Jerusalem.