31 Subalit ang mga ito ay isinulat upang kayo ay sumampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at upang sa inyong pagsampalataya ay magkakaroon kayo ng buhay sa kaniyang pangalan.
John 21
23 Nakarating nga ang salitang ito sa mga kapatid na ang alagad na iyon ay hindi mamamatay. Ngunit hindi sinabi ni Jesus sa kaniya na hindi siya mamamatay. Subalit ang sinabi niya, “Kung nanaisin kong manatili siya hanggang sa ako ay makabalik, ano naman ito sa iyo?”24 Ito ang alagad na nagpapatotoo patungkol sa mga bagay na ito at sumulat sa mga bagay na ito. Alam namin na ang kaniyang patotoo ay totoo.