45 Nagkaroon ng kadiliman sa buong lupain simula sa ikaanim na oras hanggang sa ikasiyam na oras.46 At nang bandang ikasiyam na ang oras si Jesus ay sumigaw sa malakas na tinig na sinasabi, “Eli, Eli, lama sabachthani?” na ang ibig sabihin ay “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” Awi 22:147 Nang ito ay narinig ng ilan sa mga nakatayo roon, kanilang sinabi, “Tinatawag nito si Elias.”48 Kaagad na tumakbo ang isa sa kanila at kumuha ng espongha at pinuno niya ito ng maasim na alak at inilagay ito sa isang tambo upang ipainom sa kaniya.49 Ngunit ang iba ay nagsabi, “Pabayaan mo siya. Makikita natin kung darating si Elias at ililigtas siya.”50 Muling sumigaw si Jesus sa malakas na tinig at ipinaubaya niya ang kaniyang espiritu.51 At narito, ang tabing ng banal na dako ng templo ay napunit sa dalawa mula sa itaas pababa at ang lupa ay nayanig at ang mga bato ay nabiyak.52 At ang mga libingan ay nabuksan at maraming katawan ng mga banal na namatay na ay ibinangon.53 At pagkatapos ng kaniyang muling pagkabuhay, sila ay lumabas mula sa mga libingan at sila ay pumasok sa banal na lungsod at nagpakita sa marami.54 Ngunit nang nakita ng senturion at sila na mga kasama niyang nagbabantay kay Jesus ang lindol at ang mga nangyari, sila ay labis na natakot, na nagsasabi, “Totoong siya ang Anak ng Diyos.”