Kristus synagogassa
| Secondary Keywords | buhay Jeesus Jeesus Joulu maaga Ministeriö Nasaret pagtanggi pahimakas sinagog Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 443 Ngunit pagkaraan ng dalawang araw, umalis siya roon at pumunta sa Galilea 44 sapagkat si Jesus mismo ang nagpatotoo na ang isang propeta ay walang karangalan sa kaniyang sariling bayan. 45 Kaya nang siya ay dumating sa Galilea, tinanggap siya ng mga taga-Galilea na nakakita sa lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa sa kapistahan sa Jerusalem, sapagkat sila rin ay pumunta sa kapistahan. Luke 414 At si Jesus ay bumalik sa Galilea sa kapangyarihan ng Espiritu at lumaganap ang patungkol sa kaniyang katanyagan sa buong palibot ng lupain. 15 At siya ay nagturo sa kanilang mga sinagoga, na niluluwalhati ng lahat. 16 Siya ay pumunta sa Nazaret kung saan siya lumaki, at ayon sa kaniya nang kinaugalian, siya ay pumasok sa sinagoga sa araw ng Sabat at siya ay tumayo upang magbasa. 17 At iniabot sa kaniya ang aklat ni propeta Isaias at nang ibinuklat niya ang aklat, natagpuan niya ang bahagi kung saan ito ang nasusulat, 18 “Ang Espiritu ng Panginoon ay sumasaakin dahil ako ay pinahiran niya ng langis upang ipangaral ang ebanghelyo sa mga dukha. Isinugo niya ako upang pagalingin ang mga sugatang puso, upang ipangaral ang kalayaan sa mga bihag at ang panunumbalik ng paningin sa mga bulag, upang palayain ang mga naapi, 19 at upang ipangaral ang katanggap-tanggap na taon ng Panginoon.” Isa 61:1-2 20 At nang naibalumbon niya ang aklat at naibigay niya ito sa opisyal, si Jesus ay umupo. At ang mga mata ng lahat ng mga nasa sinagoga ay nakatitig sa kaniya. 21 Kaya sinimulan niya na sabihin sa kanila, “Ang Kasulatang ito ay naganap sa inyong pandinig sa araw na ito.” 22 At ang lahat ay nagpatotoo sa kaniya at namangha sa mga salita ng biyaya na lumabas sa kaniyang bibig at sinabi nila, “Hindi ba ito ang anak ni Jose?” 23 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Tiyak na sasabihin ninyo sa akin ang talinghagang ito, ‘Manggagamot, pagalingin mo ang iyong sarili! Ang anumang narinig naming ginawa mo sa Capernaum ay gawin mo rin dito sa iyong sariling bayan.’ ” 24 Ngunit sinabi niya, “Katotohanang sinasabi ko sa inyo na walang propetang katanggap-tanggap sa kaniyang sariling bayan. 25 Subalit sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, maraming mga babaing balo sa Israel sa panahon ni Elias nang ang langit ay isinara sa loob ng tatlong taon at anim na buwan, nang nagkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain, 26 ngunit hindi isinugo si Elias sa kaninuman sa kanila maliban sa isang babaing balo sa Sarepta na lungsod ng Sidon. 27 At sa panahon ng propetang si Eliseo ay maraming ketongin sa Israel at walang nilinis sa kanila maliban kay Naaman na taga-Siria.” 28 Kaya ang lahat ng mga nasa sinagoga ay labis na nagalit pagkarinig nila ng mga bagay na ito. 29 At sa kanilang pagtindig, itinaboy nila si Jesus sa labas ng lungsod at siya ay dinala nila hanggang sa gilid ng burol na pinagtayuan ng kanilang lungsod, upang siya ay ihulog na patiwarik. 30 Ngunit siya ay dumaan sa kanilang kalagitnaan at umalis. 31 Si Jesus ay bumaba sa Capernaum na lungsod ng Galilea at siya ay nagtuturo sa kanila sa mga araw ng Sabat. 32 At sila ay nagtaka sa kaniyang katuruan sapagkat ang kaniyang salita ay may kapamahalaan. Mark 114 Nang naipabilanggo si Juan, pumunta si Jesus sa Galilea na ipinangangaral ang ebanghelyo ng paghahari ng Diyos. 15 Sinasabi niya, “Naganap na ang takdang panahon at malapit na ang paghahari ng Diyos. Magsisi kayo at sampalatayanan ninyo ang ebanghelyo.” Mark 61 Si Jesus ay umalis doon at nagtungo sa kaniyang sariling bayan at sumunod sa kaniya ang kaniyang mga alagad. 2 At nang sumapit ang Sabat, nagsimula siyang magturo sa sinagoga at ang karamihan sa mga nakikinig ay nanggilalas na sinasabi, “Saan kinuha ng taong ito ang ganitong mga bagay? At ano itong karunungan na ibinigay sa kaniya, na kahit ang ganitong mga makapangyarihang gawa ay nagagawa ng mga kamay niya? 3 Hindi ba ito ang karpintero, ang anak ni Maria at kapatid nina Santiago, Jose, Judas at Simon? Hindi ba kasama natin dito ang kaniyang mga kapatid na babae?” At sila ay natisod sa kaniya. 4 Subalit sinabi sa kanila ni Jesus, “Ang propeta ay may karangalan maliban sa kaniyang sariling bayan, sa sarili niyang kamag-anak at sa sarili niyang sambahayan.” 5 At si Jesus ay hindi makagawa roon ng anumang makapangyarihang gawa maliban sa pagpatong ng kaniyang mga kamay sa ilang maysakit at sila ay pinagaling. 6 At namangha siya dahil sa kanilang hindi pagsampalataya kaya siya ay pumunta sa palibot na mga nayon at nagturo roon. Matthew 1354 At nang siya ay dumating sa kaniyang sariling bayan, sila ay tinuruan niya sa kanilang sinagoga kaya sila ay nanggilalas at nagsabi, “Saan nanggaling ang karunungang ito at ang mga makapangyarihang gawa ng taong ito? 55 Hindi ba ito ang anak ng karpintero? Hindi nga ba ang kaniyang ina ay tinatawag na Maria at ang kaniyang mga kapatid na lalaki ay sina Santiago at Jose at Simon at Judas? 56 At hindi nga ba ang kaniyang mga kapatid na babae ay kasama natin? Kung gayon, saan nanggaling ang lahat ng mga bagay na nasa lalaking ito?” 57 At siya ay kinatisuran nila. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta ay hindi walang karangalan maliban sa kaniyang sariling bayan at sa kaniyang sariling sambahayan.” 58 Kaya siya ay hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa dahil sa kanilang hindi pagsampalataya. Matthew 413 At nang siya ay umalis sa Nazaret, siya ay pumunta at nanirahan sa Capernaum na nasa tabi ng dagat, sa may hangganan ng Zebulon at Neftali 14 upang matupad ang sinabi ni propeta Isaias na sinasabi, 15 “Ang lupain ng Zebulon at ang lupain ng Neftali, sa daanan sa gawing dagat, sa ibayo ng Jordan, Galilea ng mga Gentil: 16 Ang mga taong nananahan sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag, at sa kanila na nananahan sa lalawigan at sa lilim ng kamatayan ay sumikat ang liwanag.” Isa 9:1-2 17 Mula sa panahong iyon, si Jesus ay nagsimulang magpahayag at magsabi, “Magsisi kayo sapagkat malapit na ang paghahari ng langit.” |