10 Gayunpaman ay sinabi ni Jesus, “Paupuin ninyo ang mga tao.” Madamo sa dakong iyon kaya umupo ang mga lalaki na ang bilang ay halos limang libo.11 At kinuha ni Jesus ang mga tinapay at nang siya ay nakapagpasalamat, ipinamahagi niya sa mga alagad at ipinamahagi naman ng mga alagad sa mga nakaupo, gayundin ang mga isda, gaano man ang gustuhin nila.12 At nang sila ay nabusog, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, “Ipunin ninyo ang mga lumabis na mga piraso upang walang anumang masayang.”13 Kaya inipon nila at napuno nila ang labindalawang bakol ng mga piraso mula sa limang tinapay na sebada na lumabis sa mga nakakain na.