Jeesus kävelee tiellä. Hän kääntyy, kun hän kuulee opetuslapsen juoksevan ja kutsuvan häntä. Opetuslapsella on kätensä ilmassa. Puut ja alhainen taustalla.
15 Ngunit nang nakita ng isa sa kanila na siya ay gumaling, siya ay bumalik na niluluwalhati ang Diyos sa pamamagitan ng malakas na tinig.16 At siya ay nagpatirapa sa harapan malapit sa paanan ni Jesus na nagpapasalamat sa kaniya at ang lalaking ito ay Samaritano.17 At sumagot si Jesus na sinabi, “Hindi ba sampu ang nalinis? Ngunit nasaan ang siyam?18 Wala na bang natagpuang bumalik upang magbigay ng kaluwalhatian sa Diyos maliban sa dayuhang ito?”19 Kaya sinabi niya sa kaniya, “Tumindig ka at humayo. Pinagaling ka na ng iyong pananampalataya.”20 At nang tinanong siya ng mga Fariseo kung kailan darating ang paghahari ng Diyos, siya ay sumagot at sinabi sa kanila, “Ang paghahari ng Diyos ay hindi dumarating sa pamamagitan ng pagmamasid,21 ni sa kanilang sasabihin, ‘Tingnan mo rito!’ o ‘Tingnan mo roon!’ Narito, sapagkat ang paghahari ng Diyos ay nasa inyo.”