1 Sa panahong iyon, si Jesus ay naglakad sa triguhan sa mga araw ng Sabat. Ang kaniyang mga alagad ay nagutom at sila ay nagsimulang pumitas ng uhay ng trigo upang kainin.2 Ngunit nang makita ito ng mga Fariseo ay kanilang sinabi sa kaniya, “Tingnan mo, ang iyong mga alagad ay gumagawa niyaong hindi ipinapahintulot na gawin sa araw ng Sabat.”3 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Hindi ba ninyo nabasa ang ginawa ni David nang siya ay nagutom, at sila na mga kasama niya,4 kung paanong siya ay pumasok sa bahay ng Diyos at kumain ng mga tinapay na handog na para sa kaniya ay hindi ipinapahintulot kainin, ni sa kanila na kasama niya maliban na lamang sa mga saserdote?5 O hindi ba ninyo nabasa sa Kautusan na sa mga araw ng Sabat ay nilalapastangan ng mga saserdote sa templo ang araw ng Sabat at hindi sila nagkasala?6 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ang lalong dakila kaysa sa templo ay naririto.7 Ngunit kung alam ninyo ang kahulugan nito, ‘Habag ang ninanais ko at hindi hain,’ Ose 6:6 hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan8 sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon din ng araw ng Sabat.”