25 Ako'y pumihit at inilagak ang aking puso na umalam, at sumiyasat, at humanap ng karunungan, at ng kadahilanan ng mga bagay, at umalam na ang kasamaan ay kamangmangan, at ang kamangmangan ay kaululan:
Isaiah 34
16 Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu.
Luke 11
9 “Kaya ako ay nagsasabi sa inyo, humiling kayo at ito ay ibibigay sa inyo. Maghanap kayo at kayo ay makakasumpong. Kumatok kayo at ito ay bubuksan sa inyo,
Luke 12
29 “Huwag kayong maghanap kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong iinumin, ni huwag kayong mag-alala30 sapagkat ang lahat ng mga bagay na ito ay mahigpit na hinahangad ng mga bansa sa sanlibutan, ngunit alam ng inyong Ama na kinakailangan ninyo ang mga bagay na ito.31 Sa halip ay hanapin ninyo ang paghahari ng Diyos at ang lahat ng mga bagay na ito ay idadagdag sa inyo.
Proverbs 8
12 Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, at aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita.13 Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan; Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad, at ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim.14 Payo ay akin at magaling na kaalaman: ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan,15 Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari, at nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo.16 Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo, at ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa.17 Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin; at yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan ako.
Psalm 119
45 At lalakad ako sa kalayaan; sapagka't aking hinanap ang iyong mga tuntunin.