10 Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ang bansa ay babangon laban sa bansa at ang kaharian laban sa kaharian.
Mark 13
7 At kapag makarinig kayo ng mga digmaan at mga bali-balita ng mga digmaan, huwag kayong mangamba sapagkat kailangang mangyari ang mga bagay na ito, ngunit hindi pa ito ang wakas8 dahil babangon ang bansa laban sa bansa at kaharian laban sa kaharian. Magkakaroon ng mga lindol sa iba't ibang dako at magkakaroon ng mga taggutom at mga kaguluhan. Ito ang mga simula ng mga paghihirap.
Matthew 24
6 At magsisimula na kayong makarinig ng mga digmaan at ng mga balita ng mga digmaan. Masdan ninyo, huwag kayong mangamba sapagkat ang mga bagay na ito ay kinakailangang mangyari ngunit hindi pa ito ang wakas7 sapagkat babangon ang isang bansa laban sa isang bansa at ang isang kaharian laban sa isang kaharian. At magkakaroon ng mga taggutom at mga salot at mga lindol sa iba't ibang lugar.