Demonyo na pag-aari
| Secondary Keywords | demonyo disyerto Israel Israelita pag-aari |
|---|---|
| Tertiary Keywords | Helvetti paglunas Pinagaling |
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 826 At sila ay naglayag patungo sa lupain ng mga taga-Gadara na katapat ng Galilea. 27 At pagkababa niya sa lupa, may sumalubong sa kaniya na isang lalaking mula sa lungsod na matagal nang panahong may mga demonyo. Hindi siya nagsusuot ng damit at hindi nananatili sa bahay kundi sa mga libingan. 28 At nang nakita niya si Jesus, siya ay sumigaw at nagpatirapa sa harapan niya, at sa pamamagitan ng malakas na tinig ay kaniyang sinabi, “Ano ang kinalaman nito sa akin at sa iyo, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Isinasamo ko sa iyo, huwag mo akong pahirapan!” 29 sapagkat inutusan niya ang karumal-dumal na espiritu na lumabas mula sa lalaki dahil madalas siyang sunggaban ng demonyo. At siya ay binabantayan at ginagapos sa pamamagitan ng mga tanikala at ng mga pangaw. Ngunit pinapatid niya ang mga gapos at itinataboy siya ng demonyo sa ilang. Mark 52 Pagkababa ni Jesus mula sa bangka, kaagad siyang sinalubong ng lalaki na galing sa mga libingan, na may karumal-dumal na espiritu. 3 Siya ay may tirahan sa mga libingan at walang sinuman ang makakagapos sa kaniya kahit pa sa pamamagitan ng mga tanikala 4 sapagkat siya ay madalas nilang iginagapos ng mga pangaw at tanikala, ngunit nilalagot niya ang mga tanikala at pinagpuputol ang mga pangaw, at walang sinumang nakakapigil sa kaniya. 5 Araw at gabi, sa mga kabundukan at sa mga libingan, siya ay palaging sumisigaw at sinusugatan niya ng bato ang kaniyang sarili. 6 Subalit pagkakita niya kay Jesus mula sa malayo, siya ay tumakbo at sumamba sa kaniya. 7 At nang siya ay sumigaw na may malakas na tinig, sinabi niya, “Ano ang kinalaman ko sa iyo, Jesus, Anak ng Kataas-taasang Diyos? Isinasamo ko sa iyo, alang-alang sa Diyos, huwag mo akong pahirapan.” 8 Sapagkat sinabi sa kaniya ni Jesus, “Lumabas ka mula sa taong iyan, ikaw na karumal-dumal na espiritu!” 9 At tinanong siya ni Jesus, “Ano ang pangalan mo?” At siya ay sumagot, “Ang pangalan ko ay Lehiyon, sapagkat kami ay marami.” 10 Kaya labis niyang ipinamamanhik sa kaniya na huwag silang palayasin mula sa lupaing iyon. Matthew 828 At nang dumating siya sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaki na inaalihan ng mga demonyo. Sila ay mula sa mga libingan at sila ay lubhang mababangis, kung kaya walang sinuman ang may kakayahang dumaan sa daang iyon. 29 At narito, sila ay sumigaw na nagsasabi, “Ano ito sa amin at sa iyo, Jesus, Anak ng Diyos? Naparito ka ba upang kami ay pahirapan bago dumating ang panahon?” |