28 At alam natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip-lakip na gumagawa para sa kabutihan ng mga umiibig sa Diyos, sa kanila na mga tinawag ayon sa kaniyang layunin29 sapagkat ang mga kinilala ng Diyos nang una pa ay itinalaga rin niya nang una pa na maging kawangis ng kaniyang Anak, upang siya ay maging panganay sa maraming magkakapatid.30 At sila na kaniyang itinalaga nang una pa ay sila ring kaniyang mga tinawag. At sila na kaniyang tinawag ay sila ring kaniyang pinawalang-sala. At sila na kaniyang pinawalang-sala ay sila ring kaniyang niluwalhati.31 Ano ngayon ang ating sasabihin sa mga bagay na ito? Yamang ang Diyos ay kakampi natin, sino ang laban sa atin?