3 hindi manginginom ng alak, hindi palaaway, hindi gahaman sa masamang kapakinabangan, sa halip ay mahinahon, mapayapa, hindi maibigin sa salapi,
1 Timothy 6
10 sapagkat ang pag-ibig sa salapi ay ang ugat ng lahat ng mga kasamaan, na sa paghahangad nito ay nailigaw ang ilan palayo sa pananampalataya at tinuhog nila ng maraming pagdadalamhati ang kanilang sarili.
2 Timothy 3
2 sapagkat ang mga tao ay magiging maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa salapi, mga mayabang, mga mapagmalaki, mga mapaglapastangan, mga masuwayin sa mga magulang, mga hindi mapagpasalamat, mga walang kabanalan,
Ecclesiastes 5
10 Siyang umiibig sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak; o siya mang umiibig sa kasaganaan ng pakinabang: ito man ay walang kabuluhan.
Ezekiel 33
31 And they come to you as people come, and they sit before you as my people, and they hear what you say but they will not do it; for with lustful talk in their mouths they act; their heart is set on their gain.
Hebrews 13
5 Mamuhay kayo nang walang pag-ibig sa salapi, at nasisiyahan sa mga bagay sa kasalukuyan sapagkat kaniyang sinabi, “Kailanman ay hinding-hindi kita iiwan at hinding-hindi kita pababayaan.” Deu 31:6
Luke 16
13 “Walang kasambahay ang makakapaglingkod sa dalawang panginoon sapagkat maaaring kamumuhian niya ang isa at iibigin niya ang iba, o kakapitan niya ang isa at hahamakin ang iba. Hindi ninyo makakayanang maglingkod sa Diyos at sa kayamanan.”
Matthew 6
24 “Walang sinuman ang makakayanang maglingkod sa dalawang panginoon sapagkat maaaring kamumuhian niya ang isa at iibigin ang iba, o kakapitan niya ang isa at hahamakin ang iba. Hindi ninyo makakayanang maglingkod sa Diyos at sa kayamanan.
Psalm 119
36 Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman.