1 May isang lalaki sa Cesarea na ang pangalan ay Cornelio. Siya ay senturion ng tinatawag na batalyon ng mga taga-Italia,2 isang taong sumasamba at may takot sa Diyos kasama ang kaniyang buong sambahayan, gumagawa ng maraming pamamahagi sa mga nangangailangan at patuloy na nananalangin sa Diyos.3 Nang mag-ikasiyam na ang oras, malinaw niyang nakita sa pangitain ang isang anghel ng Diyos na papalapit sa kaniya at sinabi sa kaniya, “Cornelio!”4 At nang siya ay tinitigan ng anghel, siya ay natakot at sinabi, “Ano iyon, Panginoon?” At sinabi ng anghel sa kaniya, “Ang iyong mga panalangin at mga pamamahagi sa mga nangangailangan ay pumaitaas bilang alaala sa harap ng Diyos.5 Magsugo ka ng mga tao ngayon sa Jopa at ipasundo mo si Simon na tinatawag na Pedro.6 Siya ay nanunuluyang kasama ni Simon na mangungulti ng balat ng hayop. Ang kaniyang bahay ay nasa tabing dagat. Siya ang magsasabi sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.”7 At nang umalis na ang anghel na nagsasalita kay Cornelio, tumawag siya ng dalawa sa kaniyang mga kasambahay at ng isang matapat na kawal mula sa kanila na patuloy na naglilingkod sa kaniya.8 Pagkatapos niyang isalaysay sa kanila ang lahat ng mga bagay na ito, sila ay isinugo niya sa Jopa.